Kakai Bautista: Ano'ng pakialam n'yo kung matandang dalaga 'ko!

Kakai Bautista: Ano’ng pakialam n’yo kung matandang dalaga ‘ko!

Ervin Santiago - March 13, 2025 - 12:05 AM

Kakai Bautista: Ano'ng pakialam n'yo kung matandang dalaga 'ko!

Kakai Bautista, Buboy Villar at Tuesday Vargas

SUPER happy and contented ngayon sa kanyang buhay ang singer-comedienne na si Kakai Bautista kahit wala raw siyang dyowa.

Matagal-tagal na ring single ang komedyana pero hindi naman daw siya atat na atat na magka-boyfriend dahil feeling niya, okay naman ang takbo ng kanyang personal life.

Siyempre, okay din naman daw ang magkaroon ng lovelife ngunit sa ngayon parang mas gusto muna niyang mag-focus sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.

Napanood namin ang teaser ng guesting ni Kakai sa YouLOL Originals vodcast na “Your Honor” hosted by Kapuso stars Buboy Villar and Tuesday Vargas.

Ang nasabing episode ay sesentro sa tanong na, “In Aid of Buhay Single: Keri mo ba talaga?” Sa online teaser nito ay nabanggit ni Kakai na ine-enjoy pa rin niya ang single life.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Catherine Bautista (@ilovekaye)


“Ngayong ko lang nae-enjoy ‘yung time ko for myself. Ngayon ko nae-enjoy ‘yung pera ko, ngayon ko nae-enjoy ‘yung buhay ko,” ani Kakai.

May hugot din siya sa mga taong palaging nagtatanong sa kanya kung kailan ba siya magpapakasal at magkaka-baby.

“Ay naku! Nagsawa na sila sa akin. Kelan ka mag-aasawa? Sabi ko, ikaw nakaisip, ikaw gumawa. Ano ang pakialam n’yo kung matandang dalaga ‘ko!

“Mahirap maging matalino sa pag-ibig. Ako hindi ako matalino sa pag-ibig,” sabi pa ni Kakai.

Nauna rito, nasabi rin ni Kakai na napakahirap daw maging maganda sa Pilipinas dahil sa taas ng standard ng ilan sa ating mga kababayan.

Nag-post ang biriterang singer sa Instagram ng update about her health and fitness journey kung saan ibinalita niyang mula sa 52, ay naging 50 kilos na lamang siya in less than 3 weeks.

Kalakip ang isang IG Reel ng mga naging pagbabago sa kanyang katawan, ay ang mga hugot ni Kakai tungkol sa pagiging mapanlait ng mga Filipino.

“Dito talaga sa bansa naten, NAPAKA-HIRAP maging MAGANDA. Mahirap PUMASA sa NAPAKATAAS NA STANDARD. Bansa to ng mga laitero’t laitera eh.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pero sa tingin ko, KULANG LANG ANG MGA TAO ng ACCEPTANCE and LOVE FOR THY SELF. Kapag mapanglait ka, reflection yun ng LAHAT NG PANGIT SAYO na di mo kayang I-EMBRACE at TANGGAPIN,” ang bahagi ng caption ng IG post ng dalaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending