Robin Padilla naaksidente habang nasa Netherlands, sinasakyang van nabangga
NAAKSIDENTE ang sinasakyang van ng actor-politician na si Sen. Robin Padilla habang nasa Netherlands.
Base sa kanyang Facebook update noong Biyernes, March 21, ibinahagi ng senador na nabangga ang kanilang sinasakyan.
Maswerte nga raw si Robin at ang mga kasamahan dahil walang nasaktan sa kanila sa kabila ng pagkakabangga.
“Maraming Salamat po Ya Allah sa pagligtas ninyo po sa amin sa isAng tiyak na kapahamakan Alhamdulillah rabil aalameen.
Baka Bet Mo: Salvador Medialdea na-touch kay Robin Padilla: Best friend na rin sana kita!
View this post on Instagram
“Hindi namin napansin isang kisapmata binangga kami sa aming gilid subhanaAllah naging steady lang si kapatıd na Dindo sa manibela. Hindi kami gumewang o tumama sa island kundi tataob kami,” saad ni Sen. Robin.
Marami naman sa mga netizens ang nagpaabot ng kanilang pag-aalala at pinaalalahanan ang senador na palagi itong mag-iingat.
“Ingat po kayo idol god bless po iuwi nyo na c tatay D,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Hi idol Sen Robin Padilla. Amping kayo jan. Watching from Dubai, UAE.”
Matatandaang nagpunta ang senador sa Netherlands kasama sina Vice President Sara Duterte at dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque noong Biyernes, March 14.
Dumalo sina Sen. Robin sa ginanap na pre-trial ng dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) para sa kasong crime against humanity.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.