Robin Padilla barag sa bashers: Sige sumama ka na sa kulungan!

Robin Padilla barag na barag sa bashers: Sige sumama ka na sa kulungan!

Ervin Santiago - March 13, 2025 - 12:50 AM

Robin Padilla barag na barag sa bashers: Sige sumama ka na sa kulungan!

Bato dela Rosa, Rodrigo Duterte at Robin Padilla

HALOS lahat ng nababasa naming comments sa social media ay puro banat at pambabasag sa aktor at public servant na si Sen. Robin Padilla.

Ito’y matapos ngang mag-viral uli ang naging pahayag niya noon sakaling arestuhin din ng International Criminal Court (ICC) ang kaibigan at kaalyado niyang si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.

Dalawang taon na ngayon ang nakararaan nang ipagtanggol ni Robin si Bato dahil iniuugnay din ito sa “war on drugs” na ipinatupad ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Bato ang nagsilbing PNP chief sa ilalim ng administrasyon ni Duterte at sinasabing naging katuwang ng dating Presidente sa pagpapatupad ng madugong “Oplan Tokhang” campaign.

Ayon sa report ng ICC, 12,000 to 30,000 katao umano ang napatay sa naturang kampanya kontra droga. Pero ayon naman sa record ng government, umabot lamang sa 6,248 indibidwal ang namatay sa anti-drug operations ng PNP.

“Kung huhulihin nila si Bato, isama niyo na ako dahil ako, isa ako sa sumuporta kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte diyan sa drug war.

“Walang iwanan nga, e. Sasamahan ko sila kung saan sila, tutal sanay naman tayo sa kulungan. Sa abroad pa, naku, masarap pagkain doon. Okay ‘yon,” ang viral statement ni Sen. Robin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Nakulong din kasi ang mister ni Mariel Rodriguez matapos ma-convict sa kasong illegal possession of firearms noong 1994.

Kaya naman hinahamon ng netizens si Robin na tuparin ang kanyang pangako kina Bato at former President Duterte na inaresto nga kamakalawa sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 dahil sa kanyang mga “crimes against humanity.”

Narito ang matatapang na comments ng ating mga ka-BANDERA hinggil sa viral statement ni Robin.

“Robin Hood’s loyalty is about his bff relationship, not the Filipinos. You can follow him in Hague but I’m sure you’re going to have a nosebleed when they speak to you in English. You can’t even pronounce the correct word topnotcher.”

“Robin cge sama kana sa kulungan Wala ka namang silbi sa senado.”

“Sanay nman s kulungan c robin dba galing yn s malaking mansiong Ng bilibid.”

“Your very much welcome sir! Bukas mag balot kana!”

“Dapat mga artista na walang alam SA batas hndi binoboto.jan din c ipe wag Yan iboto.wala Rin alam Yan.”

“Gusto mo lang maka pamasyal sa Netherlands. pag puyo..mahal ang pamasahe.”

“Dito sa robinhood nato sayang ang pasahod, naipagawa na sana ng schools.”

“Eh di humabol ka, samahan mo na at kakailanganin nya ng caregiver dun.”

“Isama  nyo na yan wla nmn gngwa yan sa senado sayang lng tax pinasweldo ng asawa ko dyan kada kinsinas 2500 kaltas hahaha c

“Hintay ka lang isusunod kyo ni Bato.”

“Sumama k n wala k nmang ginagaea s srnado nag bubitas k lng ng upuan m, nag sisi anf marami at binigyan k ng pagkakataon n umupo jan s senado.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Magdiwang Kami Kung sasama Ka…para bawas SA nagpapaInit Ng upuan SA senado…punta Ka na Doon total you’re only a senator for Duterte and not for the Filipino people.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending