Marco Gallo ‘nag-propose’ kay Heaven Peralejo, dahon ng saging ang singsing

Marco Gallo at Heaven Peralejo
SIGAWAN at kilig-kiligan ang mga fans ng celebrity couple na sina Heaven Peralejo at Marco Gallo nang may aminin ang dalawa tungkol sa kanilang relationship.
Present ang magdyowa sa naganap na presscon ng pinakahihintay na series adaptation ng “Avenues of the Diamond”, ang ikaapat na installment sa hit Wattpad saga ni Gwy Saludes na “University Series.”
Ito’y pagbibidahan naman ni Aubrey Caraan na muling gaganap bilang si Samantha at ni Lance Carr playing Clyden.
In fairness, nakakatuwa talaga sina Marco at Heaven dahil todo suporta pa rin sila sa ibang loveteams na ka-join sa “University Series” kung saan sila ang unang bumida.
Sa isang bahagi ng presscon, natanong ang female cast members kung ano ang dream wedding proposal nila. Hindi pa man sumasagot si Heaven ay sigawan na agad ang mga fans nila ni Marco.
“Mahal, ikuwento mo na sa kanila paono,” ang nakangiting sey ni Heaven sa kanyang boyfriend.
“Nag-propose na?” ang sabay-sabay na tanong naman ng kanilang mga co-stars sa naturang serye na napapanood sa Viva One streaming app.
View this post on Instagram
“Tapos na,” ang hirit sa kanila ni Heaven sabay sabing. “Charot lang! Ako, anywhere naman. Kahit nga sa tapat ng Thai restaurant, okay lang.”
Nag-explain naman si Marco kung bakit nabanggit ni Heaven ang Thai restaurant, “Hindi, ganito kasi ‘yan. May nangyari kasi kaya na-mention niya sa Thai restaurant.
“So, ganito ‘yung nangyari. Bale, there was this one time na kumakain lang kami sa isang Thai restaurant sa Makati. And then, nag-uusap lang kami.
“Tapos sabi ko, ‘Mahal, pa’no kapag hindi ako yumaman? Pa’no kapag hindi kita kayang suportahan? Pa’no kapag hindi matutupad ‘yung mga pangarap natin?
“Kung sakto lang ‘yung kita ko at hindi ko makuha ‘yung magandang ring or basta magandang singsing. Kahit ganito ba ia-accept mo?” pagbabahagi pa ng aktor.
Ipinakita raw niya kay Heaven ang ginawa niyang singsing mula sa dahon ng saging na ginamit sa pambalot ng isang putahe sa Thai resto na kinainan nila.
“Tinray ko, sabi ko, ‘tatanggapin mo ba ‘to for the meantime tapos isusunod ko na lang (ang tunay na engagement ring)?’” chika pa ni Marco.
Sumagot naman daw ng “yes” si Heaven, “So, ‘yun, du’n ko nalaman na siya na nga pala.”
Kitang-kita naman na kinilig nang bonggang-bongga si Heaven sa ikinuwento ng kanyang boyfriend.
Pagkatapos ng Q&A ay kinausap namin uli sina Marco at Heaven para linawin kung engaged na ba talaga sila dahil halos lahat ng kanilang fans ay nagsasabing mukhang totoo na nga ang naglalabasang chika.
“Pa’no ba natin sasagutin? Basta alam mo ‘yun? Mahal namin ang isa’t isa. ‘Yun lang po ‘yun. And you know, if we have any news or like…sasabihan namin kayo,” sabi ni Heaven.
“We’re dating to marry. But it’s not a pressure at the same time. Just to know each other na for you guys to have the same goals, ‘di ba? Parehas ba?
“Same page ba? Kasi kung hindi, you know, we’re wasting time, ‘di ba?” dugtong na chika ng aktres.
“Kasi, tumatanda na rin kami,” sey naman ni Marco.
“Nandu’n na kami sa age. And wala namang pagkukulang na si Marco. Complete package na siya,” pagsang-ayon ni Heaven.
Samantala, matapos nga ang matagumpay na University Series na “The Rain in España”, “Safe Skies, Archer”, at “Chasing in the Wild”, mapapanood na nga ang “Avenues of the Diamond”.
Patutunayan ng bagong kabanatang ito na kahit ang galit sa puso ay maaaring maging pagmamahal.
Magsisimula na ang “Avenues of the Diamond” sa Viva One ngayong April 11, with a new episode every Friday.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.