Heaven Peralejo pinayuhan ni Rica, ‘wag nang magpa-sexy
INAMIN ng aktres na si Heaven Peralejo na minsan na siyang nasabihan ni Rica Peralejo tungkol sa kanyang tinatahak na career sa showbiz.
Sa kanyang naging guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay nausisa ang dalaga patungkol sa relasyon niya sa dating aktres.
Paglilinaw ni Heaven, si Rica ay kanyang tiyahin dahil ang ama ng aktres at ama ng nanay niya ay magkapatid.
Kuwento pa nga niya, kahit ang kanyang mga tiyahin ay napapagod na sa pagsagot sa tanong kung kaano-ano ba niya ang mga Peralejo.
Baka Bet Mo: Heaven Peralejo nilayasan ang haunted condo; Mon nilalagnat pag humiga sa kabaong
View this post on Instagram
At sa tuwing magkikita nga raw sina Heaven at si Rica sa kanilang family reunion ay napag-uusapan nila ang kanyang career.
Sinabihan raw siya nito na huwag na niyang pasukin ang pagpapa-sexy na ginawa ni Rica noon.
“Ang sinasabi niya every time na nagre-reunion kami—actually recently nagkita lang kami—sabi niya, ‘Naku, ‘wag kang magse-sexy, ha,’” lahad ni Heaven.
“Bakit daw?” tanong ni Tito Boy.
“Hindi na daw kailangan. ‘Wag na. Maganda na ‘yong career mo.’ Sabi ko, totoo naman. Wala naman po, wala naman akong plano,” sabi pa ni Heaven.
Sa kabila nito ay aware naman raw si Heaven na sexy rin ang dating niya sa publiko.
“I actually embrace it. Masabihan kang sexy, Tito Boy. Of course, thank you!” chika pa ni Heaven.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.