Hajji Alejandro na-diagnose ng stage 4 colon cancer, makakakanta pa kaya?

Hajji Alejandro at Alynna
NA-DIAGNOSE ang OPM legend at ang tinaguriang original Kilabot ng mga Kolehiyala na si Hajji Alejandro ng stage 4 colon cancer.
Ito ang rebelasyon ng partner ni Hajji na si Alynna Velasquez tungkol sa kanyang health condition at ang pinagdaanan niyang challenges sa pagharap sa kanyang karamdaman.
Nakapanayam ng broadcast journalist na si Julius Babao (sa kanyang YouTube channel) si Alynna na isa ring singer at dito nga niya naibahagi ang naging journey ni Hajji sa pakikipaglaban sa cancer.
Inalala ni Alynna yung araw nang bigla nilang isugod sa ospital si Hajji, “It was an ordinary day, and he had a show. He had become bloated, and he could not breathe, eat, or do anything.
“Sabi ko pa-check up. Si Hajji kasi he’s the one who would not. Kaya lang wala ng choice. So when he had a CT scan, nalaman na.
View this post on Instagram
“Pinabasa n’ya. It’s all there. When he heard it from the doctor, he said that he needed an operation like ASAP,” kuwento niya.
Patuloy pa niya, “Stage 4 colon cancer. After the operations, nagkaroon siya ng seizure because he got infected.
“He was rushed to the ICU and it took a while kasi hindi alam kung saan nanggagaling yung infection. Somewhere else. Finally nalaman na nila. After a week tinanggal na yung respirator nila. Then he began to talk,” pagbabalik-tanaw ng singer.
Todo ang pasasalamat ni Alynna kay Lord dahil dininig agad ang kanyang panalangin.
“Then I prayed sabi ko, Lord sana sa. birthday ko nasa regular room na siya. And my prayer was answered. Now, he’s undergoing therapy. Today, he’s home.
“Ang ganda na ng memory niya. Kuwento siya ng kwento ng mga things we don’t remember anymore. Ang ganda ng boses niya.
“I want to thank all his doctors for taking care of his vocal cords noong na intubate siya. Madalas yung mga na-intubate yung mga vocal chords nila, nasisira na yun eh. But they really took care of him sa Medical City.
“I spoke to God. Sabi ko, Lord, please save Hajji now. Please, I want to take him home, Lord. Tapos bumubuti s’ya,” pagbabahagi pa ni Alynna.
Inamin din niya na hindi raw nagustuhan ng pamilya ni Hajji ang pagpo-post niya ng viral video ng OPM icon habang nasa ospital.
“The family wanted it private, but I had to tell his friends when he became critical. Pero good intention na naman yung ginawa ng best friend niya to tell the San Beda group. I was blamed.
“I took the video, and it went viral. Tulog lang si Hajji noon hindi sya critical nun. He was resting. Because of your prayers, okay na s’ya. I think he will be able to sing again,” sey ni Alynna.
Matatandaang nitong nagdaang February, humiling ng dasal ang ilang celebrities para sa paggaling ni Hajji nang maospital at ma-intubate.
Sumikat nang bonggang-bongga si Hajji noong late 70s at binansagan ngang “Kilabot ng mga Kolehiyala”. Ilan sa pinasikat niyang kanta ay ang mga classic Pinoy hits na “Kay Ganda Ng Ating Musika,” “Nakapagtataka,” “Panakip-Butas,” Tag-Ulan Sa Tag-Araw” at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.