Kim Soo Hyun nagsampa ng kaso laban sa pamilya ni Kim Sae Ron
NAGSAMPA ng reklamo ang Gold Medalist, talent agency ng kontrobersyal na si Kim Soo Hyun, laban sa Garosero Research Institute kaugnay sa paglalabas nito ng pribadong litrato ng aktor.
Ang paglalabas ng pribadong larawan ay paglabag sa Korea’s Act on Special Cases Concerning the Punishment of Sexual Crimes, o distribution of illegal footage, na siyang kaso na inihain ng kampo ng aktor.
Sinpahan rin ng kampo ni Kim Soo Hyun ang pamilya ng yumaong Korean actress na si Kim Sae Ron na siyang nagbigau ng larawan ng aktor.
Para sa mga hindi aware, ang Garosero Research Institute ay isang independent media platform sa South Korea na nakilalang nagbubulgar ng mga entertainment, business, at politics scandal.
Baka Bet Mo: Kim Soo Hyun itinangging minor si Kim Sae Ron nang mag-date sila
View this post on Instagram
Nitong Linggo, March 16, isang private photo ni Kim Soo Hyun ang ibinandera ng Garosero sa madlang pipol.
Makikitang nakasuot lamang ito ng black t-shirt at naka-sensor ang gitnang bahagi ng katawan ng aktor na nagpapahiwatig na tila wala itong pang-ibabang suot.
Kuha ang larawan habang naghuhugas si Soo Hyun ng pinggan sa bahay umano ng namayapang aktres.
Kinumpirma naman ng Gold Medalist na ang aktor talaga ang nasa naturang larawan ngunit giit nila, walang rason ang Garosero para i-upload ang larawan.
Binawi rin nila ang naunang pagde-deny nila na walang naging relasyon sa pagitan nina Sae Ron at Soo Hyun at kinumpirmang naging magdyowa nga ang dalawa.
Pero giit ng kampo ng aktor, nasa legal age na ang namayapang dalaga nang maging sila.
Matapang naman ang Garosero Research Institute at di nagpasindak sa ginawa ng kampo ni Soo Hyun at marami pa raw silang ilalabas na video at picture ni Kim Soo Hyun sa mga susunod na araw, at galing daw mismo sa pamilya ni Kim Sae Ron.
Kaya naman nitong Huwebes, March 20, nagsampa na ng reklamo ang Gold Medalist sa naturang media platform at sa ilang kaanak ni Sae Ron.
Nais ng talent agency na mapanagot ang mga nagpapakalat ng pribadong larawan ni Soo Hyun para lalo itong kainisan ng publiko.
“As the management agency for actor Kim Soo Hyun, we have filed a criminal complaint today against Kim Se Eui, who posted a photo of Kim Soo Hyun in a state of undress during a live broadcast on his YouTube channel, and against an unidentified person who claims to be the aunt of the late Kim Sae Ron, who provided the photo to Kim Se Eui, leading to its public release,” saad ng Gold Medalist.
Dagdag pa nila, “The photo captures a part of Kim Soo Hyun’s body that could cause him sexual embarrassment. It should never have been made public, nor was there any justification for its release.”
Samantala, wala pa namang sagot ang pamilya ni Sae Ron maging ang Garosero Research Institute tungkol sa isinampang reklamo ni Kim Soo Hyun at ng Gold Medalist.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.