Andrea Brillantes huminto sa pagiging K-pop fan noon dahil sa trauma, anyare?
TALAGANG mapapa-“sana all” na lang talaga ang madlang people sa Kapamilya actress na si Andrea Brillantes matapos nitong makita nang personal ang Korean superstar na si Kim Soo Hyun.
Kamakailan ay nagkaroon ng meet and greet ang Korean star sa Pilipinas na ginanap sa Araneta Coliseum.
Isa nga si Andrea sa mga K-pop fan na dumalo sa naturang meet and greet at talaga um-effort ang dalaga sa kanyang outfit kung saan pumorma ito bilang isang bride-to-be dahil finally ay makikita na niya ang kanyang dream guy na bumida sa “Queen of Tears”.
Agad nga niyang ibinandera ang mga larawan na kuha sa nagdaang event sa kanyang Instagram kalakip ang kwento na hindi noya magandang karanasan bilang K-pop fan girl noong bata-bata pa siya.
Baka Bet Mo: Andrea Brillantes game na game maging ‘Dyesebel’: ‘I’m a big fan kasi!’
View this post on Instagram
“A few years ago, I decided to stop being super vocal about my interest in the kdrama/kpop industry. I experienced extreme backlash when I was a kid for simply sharing my fangirl moments from groups and series that I loved, and I received a lot of hate,” pagbabahagi ni Andrea.
Simula noon ay sinubukan na niyang huwag na masyadong mag-post tungkol sa kanyang hilig sa K-pop para maiwasan ang makatanggap ng mga negatibong komento.
Pero ngayon daw ay wala na raw pakialam si Andrea sa mga hanash ng ibang tao.
“It’s been 7 years since that traumatic experience, so I feel like I have more courage to share my fangirl moments now that I’m already 21 and not 14 anymore hehe.
“I know people will still have a lot to say, but I’m just too happy to finally have seen Kim Soo-Hyun because I’ve been following him since I was 13, and he’s literally my number one big Korean crush ever since,” dagdag pa ni Andrea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.