Andrea inaming may mga manliligaw pero hindi naghahanap ng jojowain
MAY mga nanliligaw ngayon sa Kapamilya actress na si Andrea Brillantes pero wala pa rin siyang sinasagot sa mga lalaking ito hanggang ngayon.
Mukhang hindi naman nagkaroon ng trauma sa pakikipagrelasyon ang aktres dahil sa kontrobersyal na paghihiwalay nila noon ng kanyang ex-boyfriend (Ricci Rivero).
Nakachikahan ng BANDERA at ilang piling members ng entertainment media si Andreasa naganap na Star Magic Spotlight presscon kahapon kung saan game na game niyang sinagot ang mga tanong sa kanya.
Isa nga sa ibinatong question sa aktres ay ang tungkol sa kanyang lovelife, kung saan sinabi niyang wala sa pagdyodyowa ang focus ng buhay niya ngayon.
Baka Bet Mo: Andrea Brillantes tumira noon sa squatters area: Bata pa lang naranasan ko na lahat…ang hirap kumita ng pera
“Meron naman po talaga (manliligaw), pero hindi kasi ako nakaka-focus du’n, lalo na last year. Talagang inaamin ko na sorry, pero I don’t really date or hindi ganyan ‘yung hinahanap ko,” paliwanag ni Andrea.
Nang mausisa kung handa na ba siyang makipag-date uli, sagot ni Andrea, “Nu’ng nagdadasal ako kay Lord, sabi ko, actually I think nakakapag-heal ako, not 100% because I know nobody is 100% healed.
View this post on Instagram
“I think ang laki na ng growth ko from last year. But at the same time, what if I’m just being isolated? Baka lumalayo lang ako pero hindi pa ako nakakapag-heal.
“So sabi ko, ‘Lord, I don’t know, maybe I can? Kung may darating or what, I’m open to it. I also want to be intentional about it,’” aniya pa.
Samantala, masayang ibinalita ng dalaga na na-achieve niya last year ang pangarap na makapag-travel nang mag-isa ay plano niyang maulit ito ngayong 2025.
“I travel scared. Sa mga hindi nakakaalam, takot ako sa planes, takot ako sa big, big rooms.
“May scoliosis din ako, so hirap ako magbuhat. Claustrophobic din ako. Ang dami kong mga phobia, dami kong ganun.
“So hindi ako ‘yung pinakaiisipin mo na magta-travel. Hindi ako ‘yung pinaka-eligible for solo traveling kasi ang dami kong kinatatakutan. But I still do it afraid.
“I do it alone and afraid kasi ayoko hinahayaan na ‘yung fears ko ang mag-stop sa akin from having fun and doing what I want to do,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.