Andrea Brillantes tumira noon sa squatters area: Bata pa lang naranasan ko na lahat…ang hirap kumita ng pera
ISA kami sa bumabatikos kay Andrea Brillantes dahil sa kaartehan nito at laging napapasok sa maling sitwasyon dahil sa pagiging prangka na hindi ma-gets ng karamihan.
Alam ito ng manager ni Andrea na si Tita Becky Aguila na sa tuwing may isyu ang aktres ay lagi naming hinihingi ang panig nito bilang ikalawang nanay ng aktres.
Laging katwiran sa amin ni tita Becky na, “Mabait si Andrea, Regs, misunderstood lang talaga siya, you have to understand her kasi at a young age breadwinner siya and she speaks her mind.”
Pero siyempre since public property si Andrea ay kailangan din niyang pumreno at umayos ng kilos sa harap ng ibang tao bagay na pinagdedebatehan namin lagi ng manager niya.
Hanggang sa napanood namin ang one-on-one interview kay Andrea ni Karen Davila na naka-upload sa YouTube channel nito at dito namin labis naintindihan at nakilala kung sino si Andrea Brillantes o Blythe Daguio Gorostiza na tunay niyang pangalan.
Sa edad na 19 ngayong 2022 ay may bahay na ang aktres na ipinatayo niya sa panahon ng pandemic at para ito sa mga kapatid at mommy niya.
Pero bago ito nakamit ng dalaga ay hindi biro ang hirap na dinanas niya sa buhay na ikinuwento niya kay Karen.
“Actually, sa squatters area po kami nakatira before, may work naman both parents ko dati pero lumaki ako sa grandparents ko, 5 years old yata ako.
“Nakakatawa nga, doon din nag-shoot dati ‘yung Kadenang Ginto kung saan humirap na sina Casey (Francine Diaz).
View this post on Instagram
“Sabi ko, ‘diyan kami dati tapos ‘yung basketball court diyan (naglalaro kami).’ Masaya naman simple lang kami. May mga times na sobrang hirap, magbebenta ng mga gamit. Hindi talaga ako laking yaman,” kuwento ni Andrea.
Edad 7 nang mapasama siya sa children show na “Goin’ Bulilit” at 10 years old ay suportado na niya ang pamilya niya kasama na ang magulang bilang bunso sa apat na magkakapatid.
“Ang naging mahirap po sa akin noon was ako ‘yung bunso tapos bata rin ang mga kapatid ko tapos hindi pa sila aware na ako ‘yung (bumubuhay) sa kanila. Pero ‘yung tuition lang po ang hindi (ko sagot) kasi nakukuha namin sa family ng daddy ko. Mahirap ‘yung hihingi ka ng tuition na medyo iiyak ka pa bago umuwi. Tuition ko ako (nagbabayad),” tsika ng aktres.
Sagot lahat nito ang mga kailangan nila tulad ng pagkain, bills sa kuryente, tax, at iba pang pagkakagastusan.
“’Yung struggle ko dati since bata sila hindi pa nila alam kung gaano kahirap kumita ng pera kasi ako bata palang naranasan ko na, ang hirap, ang hirap kumita ng pera (nakatawang nangingilid ang mga luha),” diin ni andra.
At dito na niya inamin na nawalan siya ng childhood dahil marami siyang isinakripisyo para sa pamilya, “Nawalan ako ng childhood kasi ang dami kong sinacrifice. May mga dream school ako as in na kaya ko naman (bayad sa tuition) pero kapag pumasok ako sa school na ‘yun, magugutom kami.
“Kaya isa-sacrifice ko na lang (hindi roon mag-aral). Mostly kasi sa friends ko mayayaman sila kaya may konting inggit (naramdaman) sa akin nu’ng bata ako na kung hindi ko ba sine-share lahat ng money ko, mabibilhan ko rin kaya ang sarili ko ng mga ganitong bagay?” kuwentong idinadaan sa tawa ng dalaga para pagtakpan ang sakit na nararamdaman.
Naisip din niya na kung bibilhin niya lahat ng gusto niya at hindi niya ise-share ang mga ito ay baka masabihan siyang madamot bagay na ikasasama niya ng loob.
“Para sa akin kasi gusto ko lang din naman ng meron ako. Pero nu’ng tumatanda na sina ate at kuya pansin ko, ‘ay parang bumabait na sila. Natututo na silang mag-thank you, mag-sorry o magpaalam (kapag may hihiraming gamit).’ Nu’ng tumanda na sila, ay alam na nila ang hirap ng buhay,” balik-tanaw pa ng aktres.
Kaya naman sa murang edad ay nag-mature na agad si Andrea base na rin sa tanong ni Karen.
“Dati litung-lito ako kasi ang aga ko nagdalaga kasi nu’ng 15 (years old) ako, isip ko, ‘hala 5 years na lang 20 na ako.’ Tapos (gustong) bumalik sa pagkabata, ano po, e, mixed (emotions).
“Yung pagbi-baby talk ko na laging nagte-trending. Voice ko talaga pero hindi ko napipiling gamitin subconsciously bigla na lang nagsi-switch kasi nu’ng bata ako kulang din ako sa pansin kasi nga bunso ako hindi ako lumaki sa parents ko.
“Baby-baby talaga ako ‘yung voice ko pero ‘yung pagbe-baby talk ko, sometimes good and bad (kusang) lumalabas kasi ibig saibhin kumportable ako sa ‘yo or feeling ko may nakikita akong father figure sa ‘yo, or kuya or ate figure kasi lumaki ako sa broken family.
“Kaya kapag nakakakita ako nu’ng ganu’n lumalabas ang pagbe-baby talk ko kapag masyado akong excited or happy,” katwiran ng dalaga.
Dagdag pa niya, “Feeling ko part ng childhood (baby talk) na nawala.”
Habang sinusulat namin ang balitang ito kaninang madaling araw ng Lunes ay almost 1,500 comments na ang nabasa namin na nagpakita ng suporta kay Blythe.
Galing kay @#Kaye Angeles, “The struggle of being a breadwinner at an early age. She’s a strong woman and her love for her family is incomparable. She is blessed despite the hates thrown at her because God knows her heart and she’s a good woman. Rooting for you, Blythe. Just continue being stronger!”
Say naman ni @Arlene May Macapanpan Balagot, “Ewan ko ba, bakit ako naiyak kay Andrea.There is something about her that makes me admire her! She is so authentic.Taong-tao siya!”
Sabi rin ni @Peter Pan, “This episode teaches us to love our family and not to Judge anybody, especially someone we don’t even know personally.”
Ani @Lina Dy, “She’s really telling a TRUE story of her Life. Andrea is a very strong person at a young age to be the breadwinner, you’re admirable. She’s not perfect like us and she deserves to be happy and enjoy her hard-earned money. I like this beautiful girl.”
Ayon kay @majasty, “For me. being a fans of Andrea if i saw anyone hate her or bash here…just one thing i tell to them did they know her in personal thats all… kasi may mga tao kasi manghusga agad kahit di nla. kilala ang tao sa totoong buhay… nakita lang nla sa social media or tv hinusgahan agad nla… porket may nasabi lang mali about sa politics…agad agad nla hinusgahan pati pagkatao nya dinamay..pa diba nakaka irita…pati nga sarili binababoy na.nang mga tao… ganyan ang mga filipino perfect at may pag ka crab mentality ability or attitude.”
https://bandera.inquirer.net/302938/andrea-brillantes-sinupalpal-ang-basher-huwag-kang-umasta-na-alam-mo-lahat
https://bandera.inquirer.net/315200/maraming-tao-na-hindi-ka-maiintindihan-kahit-good-intentions-yan-puwede-pa-rin-nilang-maliin
https://bandera.inquirer.net/313929/hugot-ni-madam-inutz-wala-akong-mai-share-na-magandang-memories-about-sa-pagkabata-ko
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.