Maymay Entrata shookt sa ‘pabukol’ ni Enchong Dee habang umaawra-awra

Enchong Dee at Maymay Entrata
NALOKA ang Kapamilya actress-singer na si Maymay Entrata nang makita si Enchong Dee na naka-boxer briefs habang umaawra-awra sa harap ng camera.
Tuwang-tuwa ang mga netizens sa isang video clip kung saan makikita sina Maymay at Enchong na nagpo-pose nang bonggang-bongga gamit ang cellphone video ng aktor.
Dumalo ang dalawang Kapamilya stars sa isang event na in-organize ng isang clothing line kung saan isa sa mga ambassador si Enchong.
“Culminating my lucky 7th year with my @avonph family at the National Convention!” ang inilagay na caption ni Enchong sa kanyang Instagram post.
“I’m so proud of my intimate apparel line kasi it’s super comfortable, sobrang durable lalo na pag nagwo-workout ako, tapos hindi pa sya overpriced Avon is really a caring relationship,” dagdag pa ng aktor.
Mapapanood sa ibinahaging video ni Enchong ang pagka-shock ni Maymay nang makita ang “pabukol” ni Enchong nang hawiin nito ang suot na mahabang jacket at ipakita sa camera ang gray boxer briefs.
View this post on Instagram
Biglang napatalikod si Maymay sa camera habang natawa naman si Enchong sa reaksyon ng dalaga. Narito ang ilang comments ng mga netizen.
“Sarap ni Enchong!”
“I think nakita nya sa camera yung underwear ni Enchong kaya napailag sya”
“Tabi na Maymay kami na lang bahala hahahaha.”
“Sino ba naman di magugulat. Hahaha baka natutulog pa lang yan what if gising na HAHAHAHA.”
“Tabi maymay ako na. I don’t find enchong pogi pero ang yummy nya talaga hahaha.”
“Ang cute ng reaction ni Maymay!”
“ag ako makaramdam sa pa bukol ni enchong dee dedma na.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.