Maymay Entrata: I want to remake myself, I want to be reborn!

Maymay may bagong pasabog: I want to remake myself, I want to be reborn!

Ervin Santiago - February 06, 2025 - 12:05 AM

Maymay may bagong pasabog: I want to remake myself, I want to be reborn!

Mayday Entrata (Photo from Instagram)

MALALIM ang mga pinakawalang hugot ng Kapamilya actress at singer na si Maymay Entrata tungkol sa mga discovery niya sa career at personal life.

Marami raw siyang nadiskubre sa kanyang sarili nitong mga nagdaang taon at marami pa raw siyang nais gawin pagdating sa usapin ng pagiging artist and performer.

Sa Instagram, may mahabang post si Maymay kung saan inamin niyang halos nasubukan na niya ang lahat ngunit ang feeling niya ay may kulang pa. Dito, nabanggit din niya na mas magpo-focus siya this time sa music.

Baka Bet Mo: Maymay Entrata kering-kering lumaban sa Bb. Pilipinas at Miss Universe PH, pero…

“Halos isang dekada na akong nasa industriya. Acting, hosting, modeling – napasok ko at inaral ko po lahat sa dahilang di ko pa alam kung ano yung gusto kong tatahakin.

“Habang lumilipas ang panahon, marami po akong na-experience, marami rin akong goals na nakamit – pero parang feeling ko nun may kulang parin,” simulang pagbabahagi ni Maymay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MayMay Entrata (@maymay)


Nagsimula raw magbago ang takbo ng kanyang music career nang dahil sa hit song niyang “Amakabogera” noong 2021 na naging national anthem pa nga for women empowerment.

Pagpapatuloy ni Maymay, “I’ve done music po before but it all changed when I released Amakabogera. I was empowered. I felt strong.

“Bigla kong naramdamang umaapaw ang passion ko po. I felt happy everytime I learned something about music.

“That was the moment I decided to pursue it seriously.

“Isa din sa pinapasalamatan ko ay ang Star Music, Star Pop, Star Magic, Maymaylove Fanmily kasi isa sila sa malaking parte po sa empowerment na naramdaman ko dahil naniwala po talaga sila sakin at sa potential na meron ako.

“At dahil doon, naniwala na rin ako sa sarili ko,” mensahe pa ng dalaga.

Masaya ring ibinalita ni Maymay na very soon ay ilalabas na nipa ang bago niyang “regalo” sa mga fans. Ito yung kanta kung saan ibabahagi niya sa madlang pipol ang mga pinagdaanan niya sa buhay.

“More than a year na po ako nagpre-prepare for a certain project. May bagong music po akong lalabas very soon – music that reflects lahat po lahat ng pinagdaanan ko at lahat ng laman ng aking puso.

“I’ve reached another turning point in my career. I want to remake myself, I want to be reborn.

“And with that, let me re-introduce myself po. I am Maymay and sana masamahan niyo po ako sa aking journey of discovery and sharing my inner world with you through my music.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“In the meantime, join my Broadcast Channel where I will share more about my life and my music!” pahayag ni Maymay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending