Maymay Entrata kering-kering lumaban sa Bb. Pilipinas at Miss Universe PH, pero... | Bandera

Maymay Entrata kering-kering lumaban sa Bb. Pilipinas at Miss Universe PH, pero…

Ervin Santiago |August 03,2022
facebook
share this

Maymay Entrata kering-kering lumaban sa Bb. Pilipinas at Miss Universe PH, pero…

Ervin Santiago - August 03, 2022 - 08:00 AM

Maymay Entrata

MUKHANG wala pa talaga sa mga plano ng Kapamilya singer-actress na si Maymay Entrata ang mag-join sa mga beauty pageant.

Pagkatapos ng pasabog na production number niya sa grand coronation night ng Binibining Pilipinas 2022 sa Araneta Coliseum last Sunday ay bumaha ng mga positibong comments sa social media.

Kinanta ni Maymay sa pageant ang hit single niyang “Amakabogera” at talaga namang kabog kung kabog ang performance ng dalaga habang rumarampa ang mga Binibining Pilipinas 2022 candidates suot ang kanilang mga swimsuit.

Talagang naging isa sa top trending topic ang pangalan at performance ni Maymay sa Twitter matapos karirin ng kanyang mga fans ang pagtu-tweet at pagse-share ng kanyang video.

Sa Instagram, nag-post ng mensahe si Maymay after her production number kung saan sinabi niya kung gaano siya kasaya sa mga nangyayari sa career niya ngayon pati na sa kanyang personal life.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MayMay Entrata (@maymay)


“Ang maging parte po ng industriya ng showbiz ay isang malaking biyaya sa probinsyanang katulad kong nangagarap lang maging artista.

“Pero I’m giving myself a chance po to improve sa craft ko ay higit pa sa kasabihang ‘blessing,’” ang pahayag ng dalaga.

Samantala, nabasa rin namin ang mga comments ng netizens na nagsasabing kering-keri ni Maymay ang mag-join sa Binibining Pilipinas o sa Miss Universe Philippines.

Pero tila wala ito sa priorities ng dalaga ngayon dahil mas gusto niyang mahasa pa ang kanyang talento bilang performer.

“Wala pa man ako sa puntong I achieved na what I wanted for myself bilang isang performer pero sa tulong nyo, mga taong mahal ko, at sa Panginoon, alam ko balang araw maaabot rin yun.

“Muli salamat sa lahat ng taong tumulong sakin to keep moving forward,” pahayag ng aktres at singer.

Sa isang panayam kay Maymay, diretsahan niyang sinabi na hindi niya pinangarap na maging beauty queen.

“Wala po talaga. Hindi ko pa po siya pangarap,” mariing sabi ni Maymay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, ang music video ng “Amakabogera” ay nakakuha na ngayon ng 16 million views and counting.

Maymay: Kahit ano’ng gawin mo na maging mabait at perpekto lagi silang may masasabing mali

Maymay Entrata balik Pilipinas na matapos mag-aral sa Canada: It’s good to be back!

Thia Thomalla wala nang balak mag-join sa Miss Universe PH: I don’t think I have it in my heart anymore

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending