Herlene hugot na hugot sa suspension ng klase dahil sa heat index

Herlene Budol hugot na hugot sa suspension ng klase dahil sa heat index

Ervin Santiago - March 23, 2025 - 07:45 AM

Herlene Budol hugot na hugot sa suspension ng klase dahil sa heat index

Herlene Budol

NAGING sentro na naman ng atensiyon ang Kapuso actress at beauty queen na si Herlene Budol matapos humugot tungkol sa isyu ng heat index sa Pilipinas.

Iba’t iba ang naging reaksiyon ng netizens sa ipinost na komento ni Herlene hinggil sa tumitinding heat index ngayon dahilan para ikansela ang mga klase sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa Facebook account ng lead star ng Kapuso series na “Binibining Marikit”, nagbahagi siya ng mensahe tungkol sa pagsuspinde ng mga klase dahil sa mataas na heat index.

“Mga chikiting ngayon kapag mainit, suspended klase. Kami noon tanghaling tapat, naggagarden,” ang pahayag ni Herlene na umani ng samu’t saring komento mula sa kanyang social media followers.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming reaksyon ng mga netizens.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)


“Iba kasi talaga init ngayon. Naranasan ko din yan noon kahit tanghali, nagbubunot kami damo sa garden bago umuwi for lunch. Ngayon, teacher na ako, ramdam ko ang init at kita ko sa mga bata hirap nila mag concentrate kapag sobrang init. Meron pa nga nahihimatay. Yung mga elesi ng ilang electric fan talagang nagbebend sa init.

“Hindi Po Ksi idol gnon ka tindi Ang init noon s ngayon pero naranasan ko Rin Yan.”

“Ayan na naman ang mga BaTAnG 9o’s kuno nag fe feeling superior ‘di muna ginamit utak para alaming iba ang init noon at ngayon.”

“Kayo rin namang matatanda may kasalanan ei. Saka mag-aral ka about climate change para alam mo heat index noon sa ngayon at kung paano sirain ninyong matatanda ang environment that causes climate change.”

“Oh edi takpan mo ozone layer, dami mo sinasaveh baccla.”

“Naalala ko po yan Sabi mag garden daw kmi magtatanim ng gulay na radish at carrots, pero nagtataka tlga Ako sa carrots at Puno ng bulaklak na calachuchi, sorry po pero totoo yan”

“May climate change na nangyayari eh aware poba kayo dun? Compare mo naman yung init noon sa init ngayon.”

“Ngayon kasi mga nka aircon at nka electric fan atsaka mga bata noon mga ng lalaro sa labas ng bahay ngayon puro nasa loob nlng ng bahay tutor electricfan at aircon kia kunting init sobrang pawis na ang mga bata hehehe.”

“Hindi naman po kasi same ang temperatura noon at ngayon kapag hapon, habang tumatagal po kasi umiinit ng umiinit, hindi po natin pwede ikumpara ang noon at ngayon kahit anong aspeto pa po yan, bawat araw may pagbabago sa mundo at hindi po natin yun mapipigilan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Naalala ko kahit tanghaling tapat nag aalis kami ng damo sa naka assign samin sa garden pahaba na may tanim na kamoteng kahoy.. para pag hapon malaya ng makauwi di na mag garden…may inaabangan na anime pag sapit ng 4pm.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending