Herlene Budol bet talakan ang puma-plastic kay Ashley Ortega

Herlene Budol bet talakan ang puma-plastic kay Ashley Ortega

Therese Arceo - March 22, 2025 - 11:41 PM

Herlene Budol gustong i-warshock ang puma-plastic kay Ashley Ortega

TILA hindi nagustuhan ng Kapuso actress at beauty queen na si Herlene Budol ang nangyayari sa kaibigang si Ashley Ortega.

Si Ashley ay kasalukuyang nasa loob ng Bahay ni Kuya bilang parte ng mga official housemates sa pinakabagong edisyon na “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab”.

Matatandaang nitong linggo lang nang ipalabas sa isang episode na tila hirap pa rin si Ashley sa pakikitungo sa kanyang mga kasamahan at ang intense na pag-amin ni AC na pakiramdam niya ay hindi pa rin pinapakita ng Kapuso actress ang kanyang totoong sarili.

Baka Bet Mo: Herlene Budol ‘di bet pumasok ng PBB, finish na pag lumabas tunay na ugali

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Marahil ay napanood ito ni Herlene lalo na’t kalat rin ito sa social media ang mga screengrab at artcard ng dalaga.

Kaya naman tila may pakiusap ang dalaga kay Big Brother na pansamantalang pumasok sa PBB house.

“Parang naawa ako kay ashley! kuya pasok moko talakan ko lang mga namamlastik kay ashley sa loob,” saad ni Herlene sa comment section ng kanyang post.

Matatandaang nauna nang maglabas ng pahayag si Herlene na wala siyang balak na pumasok sa loon ng Bahay ni Kuya dahil marami sa mga netizens ang nagtatanong kung kasali siya sa official housemates.

“Siyempre hindi ko ilalagay ang sarili ko dyan. Mamaya magkalabasan ng totoong ugali e talagang finish na talaga,” sey pa ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending