Herlene Budol ‘di bet pumasok ng PBB, finish na pag lumabas tunay na ugali
AMINADO ang Kapuso actress-beauty queen na si Herlene Budol na hindi niya pangarap na makapasok sa “Pinoy Big Brother”.
Sa isa sa kanyang Facebook post ay sinagot niya ang tanong sa kanya ng madlang netizens kung isa raw ba siya sa mga papasok sa Bahay Ni Kuya.
“Itaas ang kamay ng mga gustong makapasok si Herlene Budol sa may loob ng Bahay ni Kuya.
“Siyempre hindi ko ilalagay ang sarili ko dyan. Mamaya magkalabasan ng totoong ugali e talagang finish na talaga.
Baka Bet Mo: Herlene Budol madalas makipag-away nu’ng high school, nagha-hire ng nanay
View this post on Instagram
“Tapos malaman-laman ko may mang-babackstab sa akin, ay ‘day, sinasabi ko sa inyo, wala nang maipapalabas puro bleep! bleep na lang,” lahad ni Herlene.
Aniya, kung sakaling mangyari ito ay baka mang-rambol na lamang siya sa loob.
“Wala nang intro intro, wrestlingan na agad. Pero syempre eme lang. Halimbawa lang may mga maaarte do’n, hindi marunong magsaing, uy ‘day hindi ako pumasok dito para gawin mong katulong,” sey pa ni Herlene.
Panigurado ring magkakaroon siya ng violation lalo na sa haba ng tulog.
“Tapos halimbawa maaga call time tapos unang gabi ko doon, tapos gigisingin ni Kuya… ay talagang sasabihin ko, ‘Kuya, five minutes,'” chika pa ni Herlene.
Sa ngayon ay hindi pa kumpleto ang official set ng housemates at may mga artists pang papasok mula sa ABS-CBN at GMA Networkx
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.