Herlene Budol ayaw nang makatrabaho si Rob Gomez, nilunok lahat ng nega

Herlene Budol at Rob Gomez
DIRETSAHANG sinabi ng Kapuso actress at beauty queen na si Herlene Budol na ayaw na niyang makatrabaho ang dati niyang leading man na si Rob Gomez.
Ito ang rebelasyon ng dalaga sa panayam sa kanya ng online-vodcast show na “Your Honor”. Nagkasama sina Herlene at Rob sa dati nilang serye sa GMA 7 na “Magandang Dilag.”
Naging kontrobersyal ang dalawang Kapuso stars nang pagpiyestahan ng publiko ang lumabas na private conversation nila sa social media noong 2023. Grabe ang pamba-bash ng netizens kay Herlene dahil dito.
Natanong ng host ng show na si Buboy Villar sa “Executive Whisper” portion ng “Your Honor” si Herlene kung sinong aktor ang ayaw na niyang makatrabaho?
Sagot ng “Binibining Marikit” lead actress, “Yung nagka-issue nga last year. Tapos parang hindi lang ako napagtanggol. Siguro alam niya naman kung bakit ayaw ko na siya makatrabaho. Siguro, siya lang.”
Baka Bet Mo: Rob Gomez feeling superhero dahil sa anak: ‘I’m unbreakable right now…when I have my daughter, I’ll be stronger!’
Sey pa Herlene, “Pero kung siya ‘yung tatanungin feeling ko rin ayaw din naman niya ako (makatrabaho). Iwas-gulo lang din. Para iwas issue, parang pagod! Pagod na pagod din talaga ako sa mga binabatong hindi naman talaga din totoo.”
View this post on Instagram
Dagdag pa ni Herlene, “Alam mo ‘yun ang hirap ipagtanggol ng sarili mo. Tapos wala pa nagtatanggol sa ‘yo. Kaya nilulunok ko na lang lahat ng mga masasakit na salita.
“No hate ako sa kanya, basta siguro para lang sa ikatatahimik ng lahat,” sabi pa ni Herlene.
Matatandaang inamin ni Herlene na nagpatulong siya sa psychiatrist para ma-overcome ang pambabatikos sa kanya ng mga netizens.
“Ever since po na pumutok po ‘yung issue na ‘yun sa ‘kin, sabi ko, ‘ah okay,’ kasi parang ‘di naman po ‘yun mawawala.
“Nagpadoktor na rin po ako para mas ma-process ko siya nang maayos na bakit may mga gano’ng klaseng tao na kailangan kang hilahin pababa kapag itinataas ka ng Panginoon?”
“Mabigat po ‘yung paratang sa ‘kin kaya…mahirap po ‘yung naging sitwasyon ko n’un. Ang hirap po mag-move on sa gano’ng sitwasyon. Alam naman po ng Panginoon kung ano ang tama at mali,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.