Herlene pinapapasok na ng netizens sa Bahay ni Kuya; Bianca luho ang libro

Bianca Umali at Herlene Budol
UM-ATTEND ang Kapuso star na si Bianca Umali sa Philippine Book Festival 2025 sa SM Megamall at nagbigay saya sa mga book lovers kamakailan.
Sa interview ng “24 Oras”, ibinahagi ni Bianca ang kanyang pagmamahal sa pagbabasa. Mula pa raw noong bata siya ay talagang adik na siya sa iba’t ibang books.
“Libro talaga ang luho ko sa buhay, and to be here and to see my fellow readers and critics, nakaka-excite to know what their interests are,” set ng dalaga.
View this post on Instagram
Binasa ni Bianca ang librong sinulat ni Nelson Canlas na pinamagatang ‘Si Migoy ang Batang Tausug.’ Nagkaroon din ng cooking demo para ipakilala ang mga Tausug delicacies.
Pinatunayan ni Bianca na ang kanyang pagmamahal sa mga libro ay higit pa sa luho, ito ay isang paraan upang ipagdiwang ang kultura at tradisyon ng Pilipinas.
* * *
Winner talaga sa puso ng viewers ang mga serye sa GMA Afternoon Prime. Patunay riyan ang consistent high ratings at positive feedback ng mga Kapuso para sa mga programa ng GMA Entertainment Group.
Affected much tuwing hapon ang mga manonood sa heavy scenes ni Princess (Sofia Pablo), lalo na tuwing inaapi siya nina Divina (Denise Laurel) at Libby (Lauren King).
Komento ng isang netizen, “Nakakaiyak naman si Princess sana malaman na niya ang totoo. Huwag kang mawawalan ng pag-asa, Princess.”
Abangan ang mas marami pang rebelasyon sa “Prinsesa ng City Jail,” 2:30 p.m. mula Lunes hanggang Sabado.
Gigil na gigil naman ang viewers kay Olive (Camille Prats) sa “Mommy Dearest.”
Saan aabot ang kasamaan niya para ilayo ang anak na si Mookie (Shayne Sava) kay Emma (Katrina Halili)? Mawawala pa ba sa buhay ni Mookie ang taong may totoong malasakit sa kanya?
Sey ng isang online viewer, “Ang intense every episode grabe! Araw-araw namin ‘tong inaabangan!” Tutok lang sa “Mommy Dearest,” weekdays at 3:20 p.m. sa GMA 7.
Samantala, magkahalong kilig, iyak, at tawa ang napi-feel ng mga Kapuso sa bawat episode ng “Binibining Marikit.”
Komento ng isang fan ni Herlene Budol, “Kinikilig ako kina Herlene at Tony Labrusca! Nakaka-good vibes mga patawa ni Ikit, hindi halatang marami siyang problema. Hay sana makilala na niya ang tunay niyang ina.”
Patuloy na subaybayan ang “Binibining Marikit,” tuwing 4 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Samantala, speaking of Herlene, marami ang nagre-request sa GMA at ABS-CBN na ipasok na rin ang aktres sa “PBB Celebrity Collab Edition” para mas maging maingay at exciting daw ang Bahay ni Kuya.
View this post on Instagram
Siguradong mas marami raw ang tututok sa iconic reality show kapag biglang naging housemate si Hipon Girl sa “PBB” dahil tiyak na maraming bebenggahin ang aktres sa loob ng Big Brother house.
Pero sa kanyang Facebook post ay sinagot ni Herlene ang tanong kung isa nga ba siya sa mga papasok very soon sa Bahay Ni Kuya.
“Itaas ang kamay ng mga gustong makapasok si Herlene Budol sa may loob ng Bahay ni Kuya.
“Siyempre hindi ko ilalagay ang sarili ko dyan. Mamaya magkalabasan ng totoong ugali e talagang finish na talaga.
“Tapos malaman-laman ko may mang-babackstab sa akin, ay ‘day, sinasabi ko sa inyo, wala nang maipapalabas puro bleep! bleep na lang,” sey ni Herlene.
Kung sakaling mangyari ito ay baka mangrambol lang siya sa loob, “Wala nang intro intro, wrestlingan na agad. Pero syempre eme lang. Halimbawa lang may mga maaarte do’n, hindi marunong magsaing, uy ‘day hindi ako pumasok dito para gawin mong katulong.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.