Jay Manalo Ilagan binastos si Vilma Santos? ‘Laos na, hindi ako takot!’

Jay Manalo Ilagan, Vilma Santos
“KUNG ang aking kalaban ay si Kathryn Bernardo, pero ang aking kalaban ay isang Vilma Santos lang na laos na, ha! Hindi ako takot!”
Ito ang pahayag ni Jay Manalo Ilagan na kumakandidatong gobernador ng Batangas na katunggali ng Star for All Seasons na si Ms. Vilma Santos-Recto.
Dagdag pa niya, “Kay Andrea Brillantes ay takot ako, pero Vilma Santos, marami naman sa mga fans niya ay namamahinga na rin. Ang iba naman ay siyempre nasa edad ‘yan. At tsaka sasabihin ko sa inyo, iba ang governor na nahihipo, naiimbitahan, napupuntahan sa bahay, nagpapapirma at ako ang governor na 24 hours ang serbisyo.”
Nang mapanood namin ang viral video na ito ni Ginoong Jay na dati raw political coordinator at tarpaulin installer ni Ate Vi ay kumunot ang noo namin dahil tila napakawalang-galang naman niya sa sinabi niyang ‘laos na at hindi ako takot’ patungkol sa dati niyang boss na nagsabi pa nga siya rati 5 months ago ng, “Ma’m goodluck sa ating dalawa.”
Baka Bet Mo: Maris Racal susunod daw sa yapak ni Vilma Santos, wish ma-meet ng batikang aktres
Napaka-ungentleman para sa amin ang ginawang ito ni Hinoong Jay sa kanyang campaign rally kahapon, March 28.
Bukod sa viral na ito sa social media ay napanood din namin na isa ito sa tinalakay nina Ogie Diaz, Mama Loi at Dyosa Pockoh sa kanilang “Showbiz Update” vlog sa YouTube channel.
At dahil taga-Batangas si Dyosa Pockoh ay nagtanong siya sa ilang kakilala niyang malapit kay Ginoong Jay kung bakit siya nagsalita ng hindi maganda laban kay Ate Vi.
Ayon sa komedyanang vlogger, “Medyo ako nagulat din sa lumabas na bidyong iyon kaya tinawagan ko ‘yung isa sa malapit sa kanya kung bakit nagsalita ng ganun. Ang sabi sa akin ay mahaba raw po ‘yung bidyo na iyon na ini-splice.”
Katwiran ni Ogie, “Oo nga mahaba ‘yung video kaya in-splice pero binanggit niya na laos si ate Vi na kung sina Kathryn at Andrea (makakatapat) pa ay baka matakot siya, e, nandoon pa rin, ano ‘yung ini-splice?”
Sagot ni Dyosa Pockoh, “May pinaggalingang hugot daw itong si Jay Manalo dahil eleksyon na nga raw at may kumakalat nga raw na mga isyu mula sa kampo ni ate Vi para sa kalaban na itong mga isyu ay matagal na raw at ibinabalik kasi mga politika may parinigan kaya baka napikon daw (si Jay).”
“Ah napikon hindi niya naalala na babae ‘yung sinasabihan niya ng ganu’n at nakalimutan niya na siya ay lalaki? Nakalimutan niyang rumespeto sa babae? Bakit niya sasabihing laos si ate Vi, hindi niya alam kung ano ang katayuan ni ate Vi sa movie industry, iginagalang po si ate Vi,” diing sabi ni Ogie.
Tsinek namin kung ano ‘yung mga isyung kinasangkutan ni ginoong Jay Manalo Ilagan noong nakaupo siya bilang Mayor ng Mataasnakahoy ay napagbintangang nang-rape ng salon staff sa isang pension house sa Ormoct City, Leyte bagay na itinanggi nito dahil hindi raw siya nagpupunta sa lalawigang pinamamahalaan ng mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez.
Kaya naman nalinis ang pangalan niya pagkalipas ng isang taon tungkol sa isyung rape.
Bukod dito ay kinasuhan din umano si ginoong Jay ng mga agents ng Criminal Investigation ng illegal possession of firearms dahil nakuha ito sa farm niya ang mga high-powered firearms and arrested one of his aide noong 2016.
Bukas ang BANDERA sa panig nina Ginoong Jay at Ate Vi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.