Maris Racal susunod daw sa yapak ni Vilma Santos?

Maris Racal susunod daw sa yapak ni Vilma Santos, wish ma-meet ng batikang aktres

Reggee Bonoan - March 08, 2025 - 09:28 AM

Maris Racal susunod daw sa yapak ni Vilma Santos, wish ma-meet ng batikang aktres

Maris Racal, Vilma Santos

SI Maris Racal nga ba ang susunod sa yapak ng Star for All Seasons na si Ms. Vilma Santos-Recto?

Ito ang napag-usapan nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika sa programang “Cristy Feminute” na napapakinggan sa True FM 105.9 sa Mega Manila at napapanood naman sa One PH YouTube channel tuwing 1 p.m. – 2 p.m.

“Napagkuwentuhan po namin ni Romel na si Maris Racal ang Vilma Santos ng kasalukuyang panahon, nakikinig pala si Ate Vi sa amin habang papunta pala sila ng Batangas siyempre marami silang inaasikaso ro’n,” simula ni ‘Nay Cristy sa CFM.

Dagdag pa, “Excited si Ate Vi na makilala si Maris.”

Ang mensahe raw ng kumakandidatong gobernadora ng Batangas kay ‘Nay Cristy, “Ate Cristy on my way back to Batangas nakikinig ako sa inyo ni Romel he, he, he, Salamat na may Vilma Santos sa katauhan ni Maris, sa iyo nanggaling. Pride ko yes! I love you ate Cristy pray for us, ha? Ingat kayo palagi.”

Baka Bet Mo: Maris Racal, Anthony Jennings nakatakas na sa sumpa ng ‘cheating’

Sagot ni ‘Nay Cristy, “Oo ate Vi nakitaan namin ng pagiging Vilma Santos si Maris Racal dahil hindi siya natatakot na gumanap sa iba’t ibang roles na ibinibigay sa kanya.

“Ang sabi niya, ‘excited akong makilala siya (Maris), thank you Ate Cristy.

“Naisip namin, tingnan mo nga naman ang pagpapahalaga ni Ms. Vilma Santos sa mga ganitong bagitong artista, ‘di ba Romel?”

“Oo nga po agad-agad talagang nag-text sa ‘yo si ateVi na nakakatuwa kasi pag narinig naman ito ni Maris (sabihin nitong) ay ano ba ‘yan Star for All Seasons,” sabi naman ni Romel Chika.

Susog ni ‘Nay Cristy, “Tsaka malaking karangalan para kay Maris Racal na makilala siya ng Star for All Seasons na si Ate Vi at ang dami naman talagang nagsasabi na siya (Maris) talaga ‘yung Vilma Santos ng kasalukuyang panahon kasi siya ‘yung kumawala kaagad ‘yung tinatawag nating nasa loob ng kahon. Kaya nga napag-iiwanan ang marami kasi hindi sila lumalabas sa kahon, nata-typecast.”

Nasambit din ni Romel Chika na nu’ng panahon ni Ate Vi ay siya lang ang gumaganap ng mga mapangahas na karakter.

Taon ngayong 2025 ni Maris dahil kaliwa’t kanan ang papuri sa kanya kapag napapanood siya sa seryeng “Incognito” kasama sina Daniel Padilla, Baron Geisler, Kaila Estrada, Anthony Jennings, Ian Veneracion, at Richard Gutierrez.

Hindi nalilimutan ng viewers ng “Incognito” ang eksenang tumakbo si Maris na naka-panty at bra lang na gandang-ganda sa katawan niya.

At dahil dito ay may nag-suggest na sana magkasama sa isang project sina Maris at Ms. Vilma Santos-Recto.

Nakakapanood kaya si ate Vi ng “Incognito” para more or less ay may idea siya kung sino at ano ang karakter ni Maris?

Going back to ‘Nay Cristy at isa-isa niyang binasa ang mga komento ng CFM listeners, “kayang-kaya niyang (Maris) gampanan ang mga roles na ginampanan ni ate Vi like ‘Burlesk Queen’ (1977), ‘Tagos ng Dugo,’ ‘Sister Stella L.’  Oo kayang-kaya ‘yan.”

“Sabi naman ni Juris Doctor Channel, ‘yay nangangamoy bagong pelikula ito, ah. Mga producers na nanonood, ito na po ang sign, ate Vi and Maris Racal movie.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sana nga magkaroon ng project ang dalawang aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending