Vilma Santos matapos sabihang 'laos na': Tao ang magdedesisyon!

Vilma matapos sabihang ‘laos na’ ng katunggali sa pulitika: Tao ang magdedesisyon!

Reggee Bonoan - April 04, 2025 - 09:16 AM

Vilma matapos sabihang 'laos na' ng katunggali sa pulitika: Tao ang magdedesisyon!

PHOTO: Facebook/Vilma Snatos-Recto

FOLLOW-UP ito tungkol kay Ms. Vilma Santos-Recto sa nasulat namin dito sa BANDERA noong March 29 na sinabihang “laos na, hindi ako takot!” ng kanyang katunggali sa politika.

Kung matatandaan sa isang sortie ng katunggali ni Ate Vi na si Ginoong Jay Manalo Ilagan sa pagka-gobernador sa lalawigan ng Batangas ay nagsabi siya ng, “Kung ang aking kalaban ay si Kathryn Bernardo, pero ang aking kalaban ay isang Vilma Santos laang na laos na, ha!  Hindi ako takot!”

Pinuntahan ng host, vlogger at producer na si Ogie Diaz para sa kanyang “Ogie Diaz Inspire” sina ate Vi, Luis Manzano at Ryan Christian Santos Recto sa kanilang sortie sa Batangas para hingan ng reaksyon sa sinabing “laos na siya at hindi takot ang kalaban niya.”

Bale ba ibinalita pa naman ni Luis na win or lose ay may naghihintay na TV Ad sa kanila ni Ate Vi.

Baka Bet Mo: Janno Gibbs: Aminado naman akong hindi na ako sikat, laos na…

Kaya sabi ni Ogie, “So, hindi hindi pa laos ang isang Vilma Santos?”

Tawang-tawa naman si ate Vi sa sinabing ito ni Ogie dahil nakarating na rin naman pala sa kanya ito.

“’Yung mga ganyan sa pulitika, more than 30 years ay hindi ko na masyadong pinapansin ang ganyan na sinabihan ako ng, ‘si Vilma Santos hindi ako takot d’yan, laos na ‘yan.’

“Nasa isip ko lang, ano kaya nasa utak ng taong ito (natawa). Bahala na siya. We are here to serve at tao ang magde-desisyon.  Now, kung ganyan ang takbo ng utak niya (katunggali) siya na ang may responsibilidad niyan hindi kami,” nakangiting pahayag ni ate Vi.

Dinugtungan naman ni Ogie na malaki ang tingin at respeto ng industriya kay Ms. Vilma Santos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending