Vilma Santos malaki ang pasasalamat sa mga taga-Lipa: Dito po ako nag-umpisa
SUCCESSFUL ang opening ng Barako Fest 2025 nitong Pebrero 13 sa pamumuno ng Managing Director nitong si John Bryan Diamante kaya naman abu’t-abot ang pasalamat ni Ms Vilma Santos-Recto na kumakandidatong Gobernadora ng Batangas.
Ang Barako Festival 2025 ay tatlong araw na isinelebra sa Lipa City, Batangas na handog ng Talino at Puso Construction Workers Solidarity (CWS) Talino at Puso, at 107 Angkas Sangga party-list at ibang private sectors.
Sabi ng Star for All Season, “Teamwork, that is the magic word. Teamwork. Kahit anong galing mo, Bryan, pag hindi ka nasamahan ng iba na magagaling din, hindi tayo magiging matagumpay.
“And I think that is the magic word teamwork. We will continue to work as a team, and we will continue to work as a family here in the province of Batangas.
Baka Bet Mo: Luis nawalan ng 4 endorsement dahil sa politika; Vilma Santos suportado BARAKO Fest
“Barako Fest, this is our third year. We’re very proud of this Barako Fest, kasi ito ho ngayon ang inilalatag namin dito sa Lipa kasama na po ang iba’t ibang bayan ng ating lalawigan.”
Dagdag pa ni Ate Vi, “Marami ho kaming puwedeng ipagmalaki sa Barako Fest. Lahat po ng mga kaya naming ipagmalaki sa Batangas ay lalabas at lalabas habang naggo-grow, habang tumatagal pa ang aming Barako Fest.
“Ngayon po ay naka-focus tayo ngayon dito sa Lipa. There’ll come a time, iiikot na natin ito sa buong lalawigan ng Batangas.
“Ang Barako Fest po ay pinag-isipan para ito ho ay mabigyan ng pagkakataon iyong masasabi nating micro and at the same time, iyon talagang pinakamalaki na po nating mga entrepreneurs. With the present situation natin ngayon, ang isang pinakaimportante, may hanapbuhay. Tama po ba? Hanapbuhay ang number one sa atin ngayon.
“Ibig kong sabihin, hindi na namin kaya yan kung sa ating budget. Pero they’re participating, if you notice, just to make people happy,” sambit ni Ate Vi.
Isa sa pamimigay sa mananalo ng Angkeys to Win ay limang motorsiklo, tatlong brand new Toyota Vios, Last To Take Hands Off Challenge at may inspired Squid Game na Barako Game: Battle for P1Million.
View this post on Instagram
Samantala, aminadong napakalaki ng utang na loob ni Ate Vi sa mga mga taga- Lipa dahil pinagkatiwalaan siya sa kanyang political career.
Aniya, “kung saan man po ako naroroon ngayon sa aking political career, dito po ako nag-umpisa sa Lungsod ng Lipa.
“Mga Lipeños ang unang nagbigay ng tiwala sa akin bilang kauna-unahang babaeng mayor ng ating lungsod, bagama’t ako’y babae’t maliit, tandaan nyo, lalaking kausap!
“Pero noong ako naman po’y naging ina ng buong lalawigan ng Batangas at pinagkatiwalaan, hindi ho biro yun kasi for a barako country, para ako po ay bigyan ng tiwala ng buong lalawigan ng Batangas na maging nanay, at pagkatiwalaan ng tatlong termino, siyam na taon, ng mga iginagalang ko pong mayors ng buong lalawigan ng Batangas, mga barangay functionaries, pangulo, sa lahat, konsehal ng iba’t ibang bayan, 34 na bayan po meron ang aming lalawigan, 1,078 barangays.
“Iyan po ang nagtiwala sa akin nang siyam na taon. Kaya kung saan man po nandodoon ngayon, a part of my life not only as an artist sa atin pong industriya ng pelikula but also in my political life, malaking-malaking utang na loob ko po ang unang nagtiwala rin po sa akin, ang lalawigan po ng Batangas para maging kauna-unahang babaeng governor ng atin pong lalawigan.”
Kaya naman ang pangako ni Vilma Santos kapag muli siyang nakabalik sa pagka-gobernadora ng lalawigan ng Batangasy.
“Isa lang po ang aking maipagmamalaki sa inyong lahat, palagay ko, kung ako man po ay nagtagal nang ganito katagal, 24 years at ako’y napagkatiwalaang maging legislator din for two terms, six years.
“Na noong una, as local chief executive, ako ang nagpapatupad ng batas. Naranasan ko rin naman po ang gumawa ng batas.
“Kaya kahit paano, palagay ko, yun pong ibinigay sa aking tiwalang ito ay naibalik ko naman po iyong tiwalang ibinigay sa akin ng Batangueño! I must have done something good.
“But one thing, I don’t promise anything, I cannot promise heaven and earth. I can only promise two things.
“Sisiguraduhin ko lang talaga, pag tayo’y sadyang pinagkatiwalaan maging nanay muli, ang para sa tao ay dapat mapunta sa tao.
“Ang pangalawa po, sisiguraduhin ko lamang po, na paninindigan ko ang merong isang salita. Word of honor.
“Pag meron, meron. Pag wala, wala. Pag oo, oo. Pag hindi, hindi. Sadyang mahirap mamangka ng dalawang ilog! Kailangan may paninindigan dahil diyan makikilala ang pagkatao ng isang nilalang.
“At ang pangatlo ko lang kayang ipangako, siguro po, kung kami ay pagkakatiwalaan sadya, Batangueño, ang akin pong pamilya! Hindi ko po kayo ipapahiya!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.