Luis nawalan ng 4 endorsement dahil sa politika; Vilma suportado BARAKO Fest
APAT na endorsements ng award-winning TV host na si Luis Manzano ang hindi na nag-renew matapos siyang magdesisyon na pasukin na rin ang mundo ng politics.
Iyan ang rebelasyon ng husband ni Jessy Mendiola nang humarap sa members ng entertainment media sa Barako Fest 2025 na ginaganap ngayon sa Lipa City, Batangas nitong Huwebes, February 13.
Diretsahang binanggit ni Luis na totoong may mga brands at kumpanya na nagdesisyong huwag na muna siyang papirmahin uli ng kontrata dahil sa pagtakbo niyang vice-governor ng Batangas.
Ka-tandem ng TV host ang kanyang mahal na inang si Star for All Seasons Vilma Santos na kumakandidato muling governor ng Batangas.
Sabi ng Kapamilya star, tanggap at naiintindihan niya ang pag-atras ng ilan niyang endorsements dahil may mga kontrata siya na nagli-limit sa kanya sa pagkakaroon ng anumang koneksyon sa politika.
Baka Bet Mo: Jessy, Luis nagkaiyakan dahil sa politika: Ibang level na ‘to!
“To be honest, lahat naman tayo matatanda na sa industriyang ito, sa katunayan marami sa mga endorsements ko ang hindi na nag-renew. Agad-agad nu’ng naisipan namin na mag-file (ng COC), isa yun sa sinabi ni Gov. Vi, one time yun, kumakain kami that time.
“Sabi ni Gov. Vi, ‘Anak, alam na alam ko ang industriyang ito (kapag pumasok ka sa politika), sa maniwala ka o sa hindi, kahit ang endorsements mo mawawala. Sa katunayan sa tatlo o apat na endorsements ko, ang nag-pull out na,” pagkumpirma ni Luis.
May panghihinayang man dahil apektado kahit paano ang kanyang kabuhayan, lalo pa’t may sarili na siyang pamilya, wala raw siyang magagawa kundi tanggapin ang katotohanang may mga advantage at disadvantage ang pagsabak niya sa public service.
“Sabi ko, naiintindihan ko naman yun, pero yung income ko tatamaan talaga. Sabi nga ni Gov. Vi, which is ramdam ko sa start pa lang, sabi niya, ‘Anak, mabawasan ka man ng commercial, ng endorsements, e, masarap naman ang tulog mo dahil marami ka namang natutulungan na tao,'” ang punto pa ng panganay ni Ate Vi.
Hindi na binanggit pa ni Luis kung anu-anong brand o produkto ang hindi na nag-renew ng kanyang kontrata pero may idea na kami kung anu-ano ito. Tumutok kayo sa TV at abangan kung anu-anong commercial na lang ni Luis ang umeere ngayon.
Ibinalita rin ni Luis na nag-taping na raw siya para sa finale ng kanyang game show sa Kapamilya Network na “Rainbow Rumble” dahil nga nag-start na ang campaign period para sa May, 2025 elections.
Samantala, naglabas naman ng kanyang appreciation post si Luis para sa kanyang misis na si Jessy Mendiola sa pagsisimula ng kampanya para sa midterm elections.
Mensahe ni Lucky sa kanyang wifey, “Appreciation post for my Wowow @jessymendiola who has been with me every step of the way.”
“Ikot sa Batangas, work, kahit nagkasakit, may sakit, as parents kay Peanut and lahat lahat na.
“Thank you wowow, love you and lapit na anniv natin,” ang dagdag na pahayag pa ni Luis.
Ang reply naman sa kanya ng aktres, “100%, I will always be by your side no matter what. Laban lang tayo. I love you, Lucky!”
Anyway, si Luis, kasama ang inang si Ate Vi at kapatid na si Ryan Christian Recto na tumatakbo namang kongresista sa 6th District ng Batangas ang nagbukas ng pagsisimula ng Barako Fest 2025 sa Lipa.
Nag-start ito kahapon, February 13 at tatagal hanggang February 15. Kasamang nilibot ng mag-iina ang kahabaan ng Manila-Batangas Bypass Road kung saan daan-daan ang nag-participate na mga negosyo mula sa iba’t ibang bahagi ng Batangas.
“The third edition of the Barako Festival, which opened here Thursday, is not just a celebration of Batangas province’s high-quality coffee variety.
“It also highlights the top products of each city and municipality and how they create jobs and boost the local economy.
“Hotels are fully booked. Restaurants are always full. It couldn’t get any better than this,” ang pahayag ni Bryan Diamante, ang president at chief executive officer ng Mentorque Productions, na siyang organizer ng naturang event sa naganap na presscon kahapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.