Jessy, Luis nagkaiyakan dahil sa politika: Ibang level na ‘to!
NAGKAIYAKAN ang celebrity couple na sina Jessy Mendiola at Luis Manzano nang dahil sa desisyon ng TV host-actor na sumabak na sa rin sa mundo ng politika.
Aminado ang Kapamilya actress na noong una ay talagang nagdadalawang-isip siya na payagan si Luis na pasukin na rin ang politics tulad ng ina nitong si Vilma Santos at stepfather na si Ralph Recto.
Nag-usap daw sila nang masinsinsinan ni Luis tungkol dito at nagkaiyakan pa nga habang iniisa-isa ang mga advantage at disadvantage ng pagiging public servant ng premyadong TV host.
Tatakbong vice governor ng Batangas si Luis sa nalalapit na May, 2025 elections habang kakandidato namang governor ang kanyang inang si Ate Vi.
Baka Bet Mo: Carmina, Zoren nagkaiyakan sa pag-alis ni Mavy: We miss you already…
Nabanggit din ni Jessy na kahit manalo ang asawa sa magaganap na eleksyon ay hindi siya magku-quit sa showbiz pero nangako siyang susuportahan si Luis mula simula hanggang ending ng paglilingkod nito sa bayan.
“Mga one million percent supportive ako. We are very excited. And all at the same time, we are very nervous. Of course, bagong mundo ito para sa amin ni Luis and I know how hard it is.
View this post on Instagram
“Before talaga siya nag-file ng candidacy, nagkaiyakan pa talaga kami. Kasi sabi ko, ‘Sure ka na ba talaga na gusto mo?’ And ako din, I was a bit hesitant kasi I knew na ibang mundo ito eh,” pahayag ni Jessy sa panayam ng ABS-CBN.
Aniya pa, “Kahit mga artista kami, siyempre it’s a different level of responsibility and ibang level na rin ito sa ating buhay.
“I told him, ‘I just want you to know that whatever you decide, I’ll be here 100% to support you.’ So yun yung nangyari,” sey pa ng celebrity mommy.
Ramdam na ramdam na rin daw ni Jessy ngayon ang mundo ng politika dahil sa pag-iikot nila ni Luis sa Batangas, “Ay, wala nang practice-practice, ganap na ngayon, ginagawa na talaga.
“I don’t think pina-practice pa ‘yun kasi as long as you are genuine, as long as nakakasama mo sila lagi, masasanay ka talaga, eh.
“And natutuwa din naman ako to see a different world. Umiikot na naman na kami. Even last year pumupunta din kami mas lalo na nu’ng bagyong Kristine, talagang nag-abot kami ng tulong. Si Luis day and night talagang he was working so hard to help his kababayan,” pagbabahagi pa ni Jessy.
Samantala, tuloy na rin ang pagbabalik ni Jessy sa pag-arte this year after almost five years nang pamamahinga sa paggawa ng serye at pelikula.
Inaayos na raw ang reunion teleseye nila ni Gerald Anderson na nakasama niya noon sa ABS-CBN series na “Budoy.”
“Tuloy-tuloy pa rin ako. Actually kaka-meeting ko lang with Star Magic the other night. Meron pang inaayos na soap namin ni Gerald, but before I do that soap with him, meron akong mga ibang show na papasukan.
“So abangan n’yo na lang kung anong show ‘yun. As of now, for this year, baka dalawa (na show). ‘Yung sa amin ni Gerald inaayos pa yung story,” kuwento pa ni Jessy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.