Luis Manzano sa nominasyon sa Gabi ng Parangal: Labo!

Luis Manzano sa nominasyon sa Gabi ng Parangal: Labo!

Therese Arceo - December 28, 2024 - 07:31 PM

Luis Manzano sa nominasyon sa Gabi ng Parangal: Labo!

HINDI napigilan ng Kapamilya TV host-actor na si Luis Manzano na mag-react sa naging resulta ng 2024 Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal.

Matatandaang nitong Biyernes, December 27, ginanap ang Gabi ng Parangal sa Solaire Resort, Parañaque.

Sa kanyang Facebook post nitong Sabado, December 28, ni-reshare ni Luis ang post ng isang netizen na nanghihinayang dahil tila na-echapwera ang pelikulang “Uninvited”.

Para sa mga hindi aware, isa ang kanyang ina, ang Star For All Seasons na si Vilma Santos sa cast ng naturang pelikula.

Baka Bet Mo: Ano ang kinatatakutan ni Luis Manzano bilang tatay ni Baby Peanut?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Labo, kahit nomination ” saad ni Luis sa caption.

Agad namang umani ng samu’t saring reaksyon mula sa madlang pipol ang post ng aktor.

“Kaya nga, nagulat ako tinalo ni Juday si Vilma,” saad ng isang netizen kung saan binanggit ang ina ni Luis.

Comment naman ng isa, “Yung jury citation pasok sana as acknowledgement ng mga veteran stars. I stand corrected since I’ve no idea what is the criteria for that.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Itigil na ksi yang MMFF.. sa Pinas, palakasan tlga, hwg na umasa,” hirit naman ng isa sa post ni Luis.

Ngunit pagbibigay linaw ng aktor, wala raw siyang problema sa nanalo sa Gabi Ng Parangal.

“Nomination pinaguusapan, hindi winners. Magpababa muna po kayo ng tama , balik ka nalang pag ok ka na po,” sey ni Luis.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending