Ano ang kinatatakutan ni Luis Manzano bilang tatay ni Baby Peanut?
NAIPAPASA ng TV host-actor na si Luis Manzano ang mga natutunan at na-experience niya mula sa kanyang mga magulang sa pangangay na anak na si Baby Peanut.
Isa na riyan ang pagiging affectionate at malambing na daddy na ipinaramdam din sa kanya ng mga celebrity parents na sina Vilma Santos at Edu Manzano.
Bilang isang first-time tatay, bawat minuto ay mahalaga para sa kanya pagdating sa pagpapalaki at pag-aalaga sa first baby nila ni Jessy Mendiola. Pareho naman daw silang hands-on parent ng aktres.
Baka Bet Mo: Jessy Mendiola nais nang bumalik sa showbiz, Baby Peanut mag-aartista na rin ba?
Natanong si Luis sa panayam ng Smart Parenting, kung naimpluwensiyan ba ng kanyang mga magulang ang parenting style niya kay Peanut.
View this post on Instagram
“Siguro unconsciously, we’ve always been a very malambing family. We’re very affectionate, very vocal.
“In fact bagong panganak pa si Peanut, the first month or two whenever ilalabas namin sa vlog, may mga nagko-comment, ‘Bakit I love you nang I love you si Luis?’
“So parang du’n ko na-realize oo nga no, na I always say, ‘I love you Peanut, I love you anak,'” aniya pa.
Patuloy ng mister ni Jessy, “‘Yun ang nakikita ko, my dad (Edu) and I we hug we kiss, si Tito Ralph (Recto) din naman you can see how intense his love is for Peanut.
“So it was never something siguro na I consciously got from Mommy (Vilma), Daddy, from Tito Ralph. It was more of that environment that I grew up in so iyon ‘yung automatically napapasa ko kay Peanut,” dagdag chika pa ni Luis sa nasabing panayam.
Baka Bet Mo: Luis Manzano papayag agad kung gustong mag-artista ni Baby Peanut: ‘Pero feeling ko magiging strict na stage dad ako’
Ibinahagi rin ni Luis ang “biggest fear” niya bilang ama, “The reality of not being able to provide. Hindi ko kailangang magbigay ng sobrang rangyang buhay, it’s not me, it’s not Jessy, and it’s not something for Peanut.
View this post on Instagram
“We just want a comfortable life na happy kami, happy ang mga tao sa pagilid and nakakakain naman kami. I guess that’s the biggest fear for me, one, especially na bata pa si Peanut,” saad ng Kapamilya TV host.
Dugtong pa niya, “Two, lumaki si Peanut na hindi siya magiging blessing sa ibang tao, whatever that entails.
“Sabi ko naman for you to be a blessing to other people, a common misconception is people always believe that it’s always monetary, na kailangan for you to be able to be a blessing kailangan lagi kang nagbibigay,” pagbabahagi pa ng komedyante.
“When you say being a blessing means you just make life easier for so many people. Iyon ‘yung fear ko na hindi ma-instill kay Peanut as a father.
“Whether it be nagpapatawa siya, nagpapagaan siya ng buhay ng tao or she shows compassion, iyon ‘yung fear ko na hindi ko maibigay sa kanya.
“But I would like to think that she has a good environment with Jessy, kay Mommy, kay Daddy, kay Tito Ralph, na they have the best hearts na if ever man na ako ay kapusin sa department na yun, ang daming pwedeng magturo sa kanya to really be a blessing,” aniya pa.
At bilang tatay, gusto ni Luis na lumaking may “innate goodness” si Peanut, “Para sa akin naniniwala ako na lahat tayo nagkamali na in one point.
“Lahat ng mga anak natin magkakamali pa rin at one point. But you always hope and pray that you raised them well enough na ‘yun ang babalikan nila, ‘yung core na iyon na pagpapalaki na kahit mapaligiran sila ng whatever temptation, day in and day out, they will always fall back on how you raised them.
“That’s what I want to instill sa kanila. Just that innate goodness na meron silang fallback, just in case things get a bit too loud or too noisy,” pahayag ni Luis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.