Vilma, Luis nag-react sa usaping political dynasty

Vilma, Luis sa usaping political dynasty: ‘Importante may nagawa kaysa apelyido’

Reggee Bonoan - April 04, 2025 - 09:35 AM

Vilma, Luis sa usaping political dynasty: 'Importante may nagawa kaysa apelyido'

PHOTO: Facebook/Vilma santos-Recto

SA panayam ng showbiz insider na si Ogie Diaz para kina Luis Manzano at Ms. Vilma Santos-Recto na mapapanood sa “Ogie Diaz Inspire” vlog sa YouTube channel ay napag-usapan ang tungkol sa political dynasty.

Parang pinalalabas ng nagpapakalat ng isyu na bumubuo ang mag-iina ng dynasty o sa diretsong salita maraming mabubulsa mula sa kaban ng Batangas.

Sabi nga ni Ogie, “Kaming mga taga-industriya ay kilala naman namin sina ate Vi at Luis na hindi naman corrupt.”

Gusto rin naming mag-share ng aming mga kuwento mula sa aming mga kaibigan at kaklase sa kolehiyo na noong nakaupo raw si Ate Vi sa iba’t-ibang posisyon tulad ng mayor, governor, at congresswoman ay maganda ang record nito at pamamalakad.  Walang nabalitaang nambulsa ang Star for All Seasons mula sa kaban ng kanilang lalawigan.

Baka Bet Mo: Raffy Tulfo sa pagtakbo ng 2 utol: Kung ayaw n’yo, don’t vote for them

At bilang entertainment reporter ay siyempre may mga pagmamasid din kaming ginagawa sa mga artista kung sino ang mabait, genuine makisama, generous, tumutulong ng walang kapalit, concerned sa lahat at nagsasabi ng totoo ay masasabi naming isa si Luis Manzano.

Maraming nagpapatunay sa mga taong natulungan ng TV host na isang lapit lang nila ay hindi sila napahiya at minsan ay nasasaksihan naman ito sa harap ng kamera, lalo na sa mga naging contestants ng mga programa ni Luis tulad ng “I Can See Your Voice,” “Minute to Win It,” at “Pilipinas Got Talent.”

Kaya sa tingin ba ng lahat ay mangungurakot ang isang Luis Manzano?

Hindi kami ganu’n ka-close kay Luis, pero magkakilala at kapag nagkikita ay nagbabatian at bumebeso naman.

Kapag may mga tanong kami tungkol sa isyu ay sumasagot kaagad siya sa amin kaya hindi puwedeng sabihan kaming BIAS.

Anyway, kaya namin ito nabanggit ay dahil ini-isyu sa mag-iinang ate Vi, Ryan, at Luis na political dynasty na paulit-ulit na lang dahil nga sikat sila.

“It’s not the political dynasty. How can you say it’s a dynasty when you know what wala ka namang masamang record, nagsilbi ka lang,” diin ni ate Vi.

At kaya si Luis na nagkataong anak niya ang kinuha niyang ka-tandem bilang bise gobernador ay, “E, what if kung siya (sabay turo kay Luis) ang gusto kong pagkatiwalaan at kailangan ko ‘yung younger perspective niya at nagkataong anak ko, is that dynasty? May record ba kaming nangungurap?

“More than 30 years, nagsilbi lang kami at hindi kami nagprisinta, hinilingan kami to go back and serve again.

“At ito ang naisip namin, Ralph (Recto) is not running kaya pumasok si Ryan because secretary si Ralph ng Finance (Department of Finance) kaya si Ryan (Christian) ang magiging representative ng 6th District nagkataong anak din siya. But at the end of the day, we are here to serve (and) people will decide,” esplikang mabuti ni ate Vi.

Dagdag naman ni Luis, “Hindi naman kami nagpa-appoint. Lahat naman kami ay patas na lalaban sa eleksyon at ‘wag naman (din) tayong maging ipokrito tingnan din ang natural political landscape ng Batangas, magkakamag-anak din ang kalaban namin? Hindi lang naman kami ang mag-ina, mag-asawa na lumalaban, tingnan ninyo ang political landscape ng Batangas, magkakamag-anak din.

“Ang tanong ko lang, may nagagawa bang mabuti ang magkaka-pamilya na ‘yun para sa kanilang mga distrito, sa kanilang bayan, sa kanilang lungsod (at) kung nakapaglilingkod ng tama, ‘yun ang mas importante kaysa apelyido.”

At for the record ay si ate Vi pala ang unang mayor na babae at sa pamumuno niya ay nagkaroon ng SM Lipa at Robinson’s mall.

“Tapos ang isang kontrata ko lang doon sa mga pumapasok na investors huwag na nating pahirapan pa, ang kapalit ay dapat unang iti-training at karamihang kukunin nila na magtatrabaho sa kumpanya nila dapat from Batangas.

“At tsine-check ko, pumupunta ako tinatanong ko kung ilan ang Batangueno rito. Pati sa Nestle (food company) nandito ang Nestle kasi Bear Brand (endorser) ako, di ba? Sabi ko kunin ninyo mga Batangueno, pumupunta ako talaga (para mag check) just to make sure na ang nabibigyan ng prayoridad ay Batangueno.

“You’re in Batangas. And Batangas and Batangas, they’re good, mga episyente, competent. It’s just what we need is oportunidad at magti-training din naman sila, e, di i-train na nila ang Batangueno,” diin ng nagbabalik gobernadora ng Batangas.

Nabanggit din ni Ogie na kwento raw sa kanya ni Kuya Dick Paulate na nagkataong nasa opisina siya ni ate Vi nu’ng makipag meeting ito sa investors at sinusuhulan siya ay muntik na raw magtaray ang aktres-politiko pero pinigilan siya ng kaibigan.

Ang sagot daw ni ate sa investor na nagpahaging ng suhol ay kumuha ito ng permit (business) at magbayad ng tamang buwis at kunin ang mga Batangueno bilang manggagawa at hindi niya kailangan ng negosyo dahil wala siyang planong magtayo nito sa kanyang lalawigan.

Amg plataporma naman ni Luis ay, “Nandiyan ang HEARTS program ni mom na parati naming binabanggit. ‘Yung health, education, agriculture, roads and infrastructure. Nandiyan ang tourism, ang trabaho security and social services, so lahat ng y’an ay basic needs.”

Singit ni ate Vi, “Diyan pupunta ang pondo ng kapitolyo.”

Pagpapatuloy ni Luis, “Isa ang nilambing ko kay Gov. Vi, bilang isang ama na kung sana ‘yung dami ng scholarships niya dati nu’ng siya ay mayor, ‘yung dami ng scholarship niya nu’ng siya ay governor, ay kung puwede doblehin o triplehin natin. At bilang vice gov ay sigurado ako na kasama ang sangguniang panglalawigan ay agad-agad ipapasa namin para may scholarship ang pamilyang Batangueno.”

Sabi pa ni Luis na kapag pinalad silang mag-ina ay hindi na pipila ang mga ina kasama ang mga anak sa ilalim ng araw para kumuha ng scholarship sa kapitolyo dahi hindi na ito mangyayari.

“Sabi ko kay Gov. Vi ay hindi na kailangang pagdaanan lahat, ganito na lang, ako na lang ang pupunta kada distrito para ibigay ang mga scholarship,” esplika ni Luis.

Kaya dapat magkatuwang ang governor at bise governor dahil, “That’s why I need his energy! Hindi ko na kayang gawin lahat ‘yan, I’m 71 na.”

Samantala, ang tanging hiling lang ng mag-ina ay tatlong taon lang na tiwala mula sa kanilang constituents para pagsilbihan sila.

Ito rin ang hiling ni Ryan Christian sa mga kababayan niya sa District 6 City sa tuwing sortie nila, “Humihingi po ng inyong tiwala, hindi dahil sa aking apelyido. Dahil handa akong magtrabaho, makinig at maglingkod para sa inyong lahat!”

At sa panayam ni Ogie ay kay Ryan Christian ay nagsabi itong hindi pa siya puwedeng tawaging ‘congressman’ dahil hindi pa siya nanalo.

Tanong ni Ogie, what made you decide to run, ginamitan ba ito ng convincing power mula sa magulang niyang sina Sec. Ralph Recto at Ms. Vilma Santos-Recto.

“It’s my own decision.  Swerte ako na nakasama ko sila when I was a kid nu’ng umiikot sila and I saw the good they were doing and I was raised ‘too much is given, much is expected.

“And I was raised to believe that it is good to give back and we need to do our part for the society also. Masuwerte naman po ako na kumportable ang buhay ko kaya nga po ‘yung kasabihang ‘too much is given, much is expected.’

“So, that stuck with me ever since I was a kid and so as I grew older I figured I should do my part to help people,” pahayag ng bunsong anak ni ate Vi.

Aminado rin ang binata na malaking tulong na anak siya ng dalawang kilalang personalidad pero gusto niyang makilala siya bilang siya.

“I don’t think of it as building my own identity. I think it’s more of just building on what came before like all the work that they’ve done. The goal is to just improved on that regardless if I make my own name as long as I build on what they have achieved all for the people at the end of the day then I’d be happy with that,” paliwanag ng binata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At ang plataporma niya kapag nahalal siyang representante sa ika-anim na distrito sa lalawigan ng Batangas, ang Lipa City with 72 barangays ay, “Two advocacies that are near and dear to me are health and education. I think that’s where I would like to start,” saad ni Ryan Christian.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending