Raffy sa pagtakbo ng 2 utol: Kung ayaw n'yo, don't vote for them

Raffy Tulfo sa pagtakbo ng 2 utol: Kung ayaw n’yo, don’t vote for them

Ervin Santiago - February 19, 2025 - 12:25 AM

Raffy Tulfo sa pagtakbo ng 2 utol: Kung ayaw n'yo, don't vote for them

Ben Tullfo, Erwin Tulfo at Raffy Tulfo

DIRETSAHAN ang naging sagot ng broadcast journalist at TV host na si Sen. Raffy Tulfo sa mga akusasyon ng “political dynasty” sa kanilang pamilya.

Pinararatangan ngayon ang senador pati na ang mga kapatid niya at kapwa broadcaster na sina Ben Tulfo at ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo na pinaiiral ang “political dynasty”.

Naghain ng kanilang certificate of candidacy (COC) ang Tulfo Brothers sa pagkasenador noong October sa The Manila Hotel Tent City para sa May, 2025 midterm elections.

Base sa panayam ng “Morning Matters with Gretchen Ho” sa One PH, mariing binanggit ni Sen. Raffy na ipinauubaya na niya sa mga botanteng Pinoy ang kanilang desisyon sa darating na eleksyon.

Baka Bet Mo: Vilma, Luis, Ryan matapang na sinagot ang isyu ng political dynasty

“I’ll leave it up to the people. Kasi kung gusto ka ng tao, iboboto ka nila. Kung ayaw ka nila, maiisip nila ay dynasty ito. Ang dami naman, walang ginagawa,” ang pahayag ng senador.

Dagdag pa niya, “Kung ayaw n’yo mga kapatid ko, please don’t vote for them. Pero kung gusto n’yo sila dahil sa tingin n’yo makakapagsilbi sila nang maayos, then go ahead. Kayo na ang mag-decide.”

Matatandaang sinampahan ng disqualification case ang mag-utol na Erwin at Ben, hinggil sa Eleksyon 2025.

Ayon kay Comelec chair George Garcia nitong Lunes, February 18, bukod sa magkapatid na Tulfo ay kasama rin sa sinampahan ng reklamo para sa diskwalipikasyon sina ACT-CIS Rep. Jocelyn Pua-Tulfo (asawa ni Sen. Raffy Tulfo), Quezon City 2nd District Rep. Ralph Wendel Tulfo (anak nina Sen. Raffy at Rep. Jocelyn), at Turismo party-list nominee Wanda Tulfo-Teo (kapatid ng Tulfo Brothers).

Isinampa ang reklamo ng abogadong si Virgilio Garcia, kung saan sinabi nito sa petisyon ang usapin ng “political dynasty.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Respondents are all related to incumbent Senator Rafael Teshiba Tulfo (a.k.a. Raffy Tulfo) within the first or second civil degree of consanguinity or of affinity. Respondents Cong. Erwin, Ben and Wanda Tulfo – Teo are younger siblings of Senator Raffy Tulfo. Respondent Cong. Jocelyn Pua – Tulfo is the wife of Senator Raffy, while respondent Cong. Ralph is their son,” nakasaad sa petisyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending