Tolentino: ‘Talampas ng Pilipinas’ sa int’l body tagumpay ng bansa

Tolentino: Pagsusumite ng ‘Talampas ng Pilipinas’ chart sa int’l body tagumpay ng bansa

Jan Escosio - March 29, 2025 - 03:49 PM

Tolentino: Pagsusumite ng ‘Talampas ng Pilipinas’ chart sa int’l body, tagumpay ng bansa

Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino

“ISANG tagumpay para sa soberanya ng Pilipinas!”

Ganito inilarawan ni Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino ang pormal na submisyon ng Pilipinas ng chart ng “Talampas ng Pilipinas” sa International Seabed Authority (ISA).

Dagdag ng senador, mahalaga ang naturang submisyon sa layunin ng Pilipinas na konsolidahin ang suporta ng global community sa mga karapatan ng bansa sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea, o UNCLOS.

“Ito’y mahalagang hakbang para tiyakin ang ating eksklusibong karapatan sa Talampas ng Pilipinas at mga yamang nakapaloob dito,” sey niya.

Pinagtibay sa Section 8 ng Philippine Maritime Zones Law (Republic Act 10264) na iniakda ni Tolentino ang depinsiyon at mga hangganan ng “Talampas ng Pilipinas.”

Baka Bet Mo: Tolentino: Pagkilala sa ‘WPS’ palalakasin ng Maritime Zones Act

Magugunita rin na si Tolentino mismo ang nagpangalan dito bilang “Talampas ng Pilipinas” mula sa nauna nitong katawagan na “Benham Rise.”

Tinukoy ng tinaguriang “Tolentino Law” ang resource-rich region bilang bahagi ng extended continental shelf ng Pilipinas, kung saan may eksklusibong karapatan ang bansa sa eksplorasyon at pagmimina ng mga yamang mineral, petrolyo, at iba pang rekurso sa seabed at subsoil nito.

Binibigyan din nito ang Pilipinas ng ganap na kapangyarihang magtatag ng artificial islands, mga instalasyon at istruktura sa seabed, gayundin sa pagsasagawa ng marine scientific research, drilling at tunneling, at iba pang mga karapatan alinsunod sa UNCLOS.

“Ang Talampas ng Pilipinas ang ating pamana sa ating mga kabataan at susunod na salinlahi. Sinisiguro nito ang isang magandang bukas para sa ating bansa,” ayon pa kay Tolentino, na Chairman ng Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones.

Bilang panghuli, nagpasalamat ang senador sa Department of Foreign Affairs, Philippine Mission to the UN, NAMRIA – Hydrography Branch, at iba pang nag-ambag sa inisyatiba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang ISA ay intergovernmental body na nangangasiwa sa lahat ng “mineral-related activities” sa international seabed area bilang pagtalima sa 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending