Mayor Belmonte suportado si Camille Villar sa eleksyon

Mayor Belmonte suportado ang pagkakandidato ni Camille Villar sa Senado sa pagbisita sa QC

Jan Escosio - April 01, 2025 - 05:12 PM

Mayor Belmonte suportado ang pagkakandidato ni Camille Villar sa Senado sa pagbisita sa QC

PORMAL na inendorso ni Mayor Joy Belmonte ang kandidatura ni Camille Villar sa pagka-senador sa kanyang pagbisita sa lungsod noong Lunes, March 31, kung saan nakipag-ugnayan si Villar sa iba’t ibang sektor ng komunidad at inilahad ang kanyang mga prayoridad bilang mambabatas.

Nagpahayag ng pasasalamat si Villar, kasalukuyang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, sa suporta ni Belmonte at muling tiniyak ang kanyang paninindigan na isulong ang karapatan at kapakanan ng kababaihan, kabataan, at mga nasa laylayan ng lipunan.

Nangako rin siyang pagtutuunan ng pansin ang pagpapabuti ng serbisyong pangkalusugan at mas madaling pag-access sa dekalidad na edukasyon sakaling mahalal sa Senado.

Bilang bahagi ng kanyang pagbisita, lumahok si Villar sa isang gender and development assembly na inorganisa ng pamahalaang lungsod ng Quezon. Layunin ng aktibidad na isulong ang pagkakapantay-pantay ng kasarian sa iba’t ibang sektor tulad ng edukasyon, trabaho, kalusugan, at partisipasyong pampulitika.

Baka Bet Mo: Camille Villar suportado ng mga pinuno ng Iloilo City sa pagkakandidato sa Senado

Mayor Belmonte suportado ang pagkakandidato ni Camille Villar sa Senado sa pagbisita sa QC

Nakipagpulong din si Villar sa mga transport group ng lungsod, kabilang ang mga tsuper at operator ng traysikel, upang pakinggan ang kanilang mga hinaing at pag-usapan ang mga posibleng polisiya na makatutugon sa kanilang pangangailangan.

“Lubos akong nagpapasalamat kay Mayor Belmonte at sa mga taga-Quezon City sa kanilang walang sawang suporta,” ani Villar. “Kapag nabigyan ng pagkakataong makapaglingkod sa Senado, palagi akong magiging handang tumulong at manindigan para sa kapakanan ng mga komunidad dito.”

Ang Quezon City ay isa sa mga lungsod na may pinakamaraming botante sa Metro Manila, na may 1,382,018 rehistradong botante batay sa pinakabagong tala ng Commission on Elections.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending