Rica Peralejo kinuwestyon ang lifestyle, asawang pastor damay
DIRETSAHANG sinagot ng dating aktres at ngayo’y content creator na si Rica Peralejo ang pang-uusisa ng netizens tungkol sa lifestyle ng kanilang pamilya.
Sa kanyang TikTok page ay ibinahagi ng dating aktres ang tanong ng isang netizens kung paano nila naa-afford na mag-travel ang kanilang pamilya gayong pastor ang kanyang asawa at limited lang ang sahod nito.
“Di ko alam kung hindi mo lang ako kilala or you don’t understand what I do but first of all, celebrity ako since 12 years old,” panimula ni Rica.
At dahil nga sa maagang pgtatrabaho sa showniz industryvay hindi naman na kataka-takang may maipon ito at mapundar para sa kanyang sarili at sa kanilang pamilya.
Baka Bet Mo: Rica Peralejo sa chikang masungit raw siya: Tao po kami
View this post on Instagram
Dagdag pa ni Rica, isa na rin siyang content creator ngayon at may mga kumpanya at brands na nakaka-work niya at doon siya kumikita, na mas malaki raw sa kinikita ng kanyang asawa.
Nilinaw rin niya na sa ngayon raw ay mas malaki na ang sahod ng kanyang asawa kesa sa kanya dahil hindi na pagpa-pastor ang main job nito at may iba pa itong pinagkukunan ng source of income.
Agad nga itong nag-trending at marami sa mga netizens ang na-curious sa naging pahayag ni Rica.
Sa kanyang Threads account ay inamin niya na bagamat personal ang tanong ay naiintindihan niya kung saan nanggagaling ang mga nagtatanong.
Lahad ni Rica, “So may nagtanong sakin pano ko raw afford yung travel if pastor asawa ko sa TikTok, sinagot ko naman.Nakakatawa kasi samu’t sari ang comments doon ngayon.
“Pero may mga nagsasabi na bakit kailangan tanungin at ang opinyon ko diyan talaga ay OKAY LANG AT DAPAT LANG. DAPAT TALAGANG URIRATIN YUNG LIFESTYLE NUNG PASTOR NIYO AT ANG RELATIONSHIP NITO SA KABAN NG SIMBAHAN.”
Nabanggit rin ni Rica ang kahalagahan ng accountability lalo na sa mga financial institutions gaya ng kinabibilangan ng kanyang asawa.
“Napakarami ng instances ng financial mismanagement and misuse sa mga simbahan. Hindi lang ‘to evangelical ha? Lahatin niyo na.
“Basta religion, not taxed and all pa yan ha, san ba talaga napupunta yung bigay ng mga tao? Tama lang ba? Sobra? Kulang?” sey ni Rica.
Sa huli ay ibinandera niya ang kahalagahan ng pagiging totoo at transparent sa mga miyembro sa isang organisasyon.
“Anyway din naman, kung walang itatago, hindi naman mahirap sagutin yan diba? Nakaka-offend lang talaga yan sa tao or org na may itatago,” sabi pa ni Rica.
Compose
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.