Rica sa gitna ng isyu nina Maris, Anthony: I also done foolish things…
MUKHANG may naalala ang batikang aktres na si Rica Peralejo sa panahon ng kanyang kabataan matapos sumiklab ang viral screenshots ng on-screen partners na sina Maris Racal at Anthony Jennings.
Inamin ni Rica na katulad ng marami, ang bumungad sa kanyang social media ay ‘yung naging pasabog ng ex-girlfriend ng aktor na si Jam Villanueva.
“Sa lahat ng ito ang nafeefeel ko ay extreme shame especially for Maris. Hindi ko sinasabing mali siya or tama kung sinuman but that I just know how it feels like to be once young and to do things that might not exactly be favorable in the public eye,” sey niya sa post.
Pagbubunyag niya, “I also have done foolish things, and I can just imagine na kung may naglabas nung mga ‘yun at ng totoo kong ugali –lalo na if medyo may potensyal na ma-judge ako ng mga tao ay siguradong mada-down ako kasi wala namang may gusto ‘nun.”
Baka Bet Mo: Abogado sa viral ‘screenshots’ nina Maris, Anthony: ‘Cheaters have human rights’
Sinabi rin ng actress-vlogger na lahat ng tao ay may masama at magandang ugali, pero nagkataon lang daw na sikat si Maris kaya ito kalat na kalat ito sa online world.
“Kung tutuusin, sa mga kasamaan natin deserve din naman natin mapahiya in that scale, I bet. Ayun lang,” dagdag niya.
Paglilinaw rin ni Rica, “Gusto ko lang sabihin na wala akong binanggit na cheating dito sa post na to or side because hindi’ yun ang napag-isipan ko when this was happening. Primarily bec no brainer, cheating is a no-no. Walang universe ang pwede mag-excuse nito.”
“Also, ang dami kong mali sa buhay na nakaka-relate talaga ako sa shame ni Maris sa pagkasama kong tao pero nakaka-relate din ako na maloko tulad ni Jam. Kaya dun ako nagfocus sa una,” aniya pa.
Magugunitang marami ang nagulat sa inilabas na ebidensya ni Jam patungkol sa pagtsi-cheat sa kanya ni Anthony at paglalandi umano ni Maris sa aktor.
Ayon kay Jam, ito ang paraan niya upang protektahan ang kanyang pananahimik dahil kaliwa’t-kanang pamba-bash ang natatanggap niya matapos aminin ni Anthony na nag-break na sila.
Kasunod niyan ay sandamakmak na memes na ang nagkalat sa socmed, partikular na ang mga linyang: “Smoke then f*ck” at “I’ll touch myself na lang.”
Ilan lamang ito sa naging dialogue ni Maris kay Anthony based sa inilabas na screenshot ni Jam mula sa palitan ng mensahe ng dalawang Kapamilya stars.
Bukod pa diyan, bukambibig na rin ng netizens ang mga salitang “that was hot”, “U miss my body?”, “Ugh yung amoy ng sweater mo”, “You look so tired i wanna baby you” at “I want baby kisses” na makikita rin sa screenshot ng alleged convo nina Maris at Anthony.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.