Hirit ni Anthony Jennings sa ABS-CBN: Sana hindi ako mamatay sa Incognito!

Anthony Jennings
NGAYON pa lang ay inaatake na ng “sepanx” o separation anxiety ang Kapamilya actor na si Anthony Jennings kapag naiisip niya ang pagtatapos ng “Incognito.”
In fairness, talagang nagmarka at tumatak na naman ang karakter ni Anthony sa naturang ABS-CBN action series bilang si Tomas Guerrero tulad ng natamo niyang kasikatan as Snoop Manansala sa 2023 series na “Can’t Buy Me Love” kasama rin ang screen partner niyang si Maris Racal.
“Sobrang grateful ako sa lahat. Siyempre, nadaanan namin yung hirap at ginhawa sa set kung paano namin ginagawa dati, yung mga times na basa na yung mga paa namin pero tuloy tuloy pa rin kami.
“Pero yung hirap at ginhawa, sobrang sulit at okay niya. Nu’ng una parang, ‘Kaya ba namin ito, Direk?’ Ang daming questions eh, pero nu’ng napanood na namin yung trailer, hindi na namin in-expect na ganu’n pala yung habulan sa jetski, ganu’n pala.
“Sobrang amazing lang. Sobrang nakaka-proud na parte pa rin ako ng show na ito. Sana hindi ako mamatay! Ha-hahahaha!” sey ni Anthony.
Sa tanong kung ano ang pinaka-memorable na experience niya shooting “Incognito” sa iba’t ibang panig ng Pilipinas at maging sa labas ng bansa, tulad ng Italy at Japan.
“Marami kasi halos lahat naman kasi memorable. Siguro yung sa Italy for me kasi yun talaga yung pinaka kumpleto kami. Yung mga memories ko du’n iba, eh! Ha-hahaha!
View this post on Instagram
“Siguro na-enjoy ko yung ganu’n, sa Italy namin kasi mas kumpleto kami du’n eh. Buo yung grupo du’n. Nabigyan ako ng core memory du’n. Binigyan ako ng peklat sa tuhod! Astig din. So yung sa Italy and Palawan,” pag-alala ni Anthony.
Isa pa sa ipinagpapasalamat ng aktor ay ang solid na tropahan ng cast, lalo na ng astig na samahan nila nina Maris, Daniel Padilla, Richard Gutierrez, Baron Geisler at Kaila Estrada.
“Sobrang grateful ko lang na parte pa rin ako ng napakagandang show na ito. Yun nga, kapag medyo matagal na kayong nag-shu-shoot tapos nararamadaman mo na medyo patapos na kayo, iba na yung pakiramdam eh.
“Nandu’n na yung medyo parang malulungkot ka na. Parang kailangan ko sila makita palagi, eh. Every time na magsusuot ako ng uniform, yung pang-Kontraks, iba yung pakiramdam eh.
“Feeling ko, medyo matagal tagal ko ring hindi mararamdaman ulit yun eh. Siyempre nakaklungkot pero at the same time happy ako kasi love na love ng mga tao yung characters namin.
“Nae-enjoy nila yung mga ginagawa namin. Sana magkaroon pa ng Season 2 para marami pa kaming puwedeng ibigay, eh. Maraming salamat siyempre sa lahat ng nanunuod at sumusuporta. Sana magpatuloy pa rin yung suporta nila sa show namin,” sey pa ni Anthony.
Napapanood ang “Incognito” sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN, sa Netflix at iWantTFC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.