Daniel Padilla looking forward nang magkaroon ng sariling pamilya

Daniel Padilla looking forward nang magkaroon ng sariling pamilya

Ervin Santiago - April 13, 2025 - 12:05 AM

Daniel Padilla looking forward nang magkaroon ng sariling pamilya

Daniel Padilla

LOOKING forward ang Kapamilya actor at singer na si Daniel Padilla sa pagkakaroon ng sariling pamilya pagdating ng tamang panahon.

Sey ng binata, hindi na rin naman daw siya bumabata at gusto rin niyang magpakasal someday at magkaroon ng mga anak.

“Wala na akong ibang pupuntahan pa. Gusto ko na rin buksan yung chapter na yun dahil minsan hinahanap na rin ang laman ko,” ang pahayag ni DJ sa panayam ng Esquire magazine.

Pagpapatuloy niya, “Eventually, I am looking forward to having a family, ano pa ba ang gagawin ko, nandu’n na ako sa boundary? So, pukpok muna sa trabaho, then eventually start a family.

“Wala na akong ibang pupuntahan. Most of my friends have families, nakikita ko na rin magkakalaro ang mga anak nila,” aniya pa.

Natanong din si Daniel sa naturang panayam kung kumusta na ang estado ng kanyang puso, “I’m very happy. I’m very at peace. Enjoy ako dahil I love what I’m doing now.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Breath of fresh air talaga itong ginagawa kong ‘Incognito’. Before doing this, I was parang, nawalan na rin akong gana, eh. Lahat naman tayo sa trabaho natin, di ba?

“We… burn out. Because of, you know, ulit-ulit. ‘Yan lang lagi ginagawa mo. Suwerte rin ako na nabigay sa akin itong proyekto na ‘Incognito’. Breath of fresh air.

“Sarap nu’ng ginagawa ko ulit. Kaya after this, parang ang dami kong ideas sa mga next ko namang gagawin,” aniya pa na gumaganap bilang Andres Malvar sa naturang serye na isang dating Scout Ranger na dalubhasa sa CQC (Close Quarters Combat) at anti-guerilla warfare pero tinanggal sa serbisyo dahil sa kasong homicide.

Samantala, naikuwento rin ni Daniel sa naturang interview kung paano siya nagre-relax kapag walang trabaho. Aniya, enjoy siya sa pagka-camping sa Tanay, Rizal.
“Namumundok kami doon. Iba sa realidad natin. Bumalik sa nature kung saan simple ang mga bagay. Katahimikan, oras sa pamilya, para magdasal, oras para maglaro.

“Gusto ko lang mag-farm, may mga hayop na inaalagaan, may open space, maraming halaman, sariwang hangin,” sey ni DJ.

Nae-enjoy din daw niya ang pagiging Tito sa pamangkin niyang si Baby Claudio, anak ng nakababata niyang utol na si JC Padilla.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“’Yung bahay namin nag-iba kasi may baby na. Ngayon ko lang nakita ‘yung effect ng baby, lalo na sa mom ko. Dyusko po, hindi na umaalis (ng bahay), hirap na hirap umalis, ayaw iwanan si Claudio!” kuwento pa ni Daniel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending