Sam Verzosa handang harapin si Isko Moreno sa debate: Anytime, anywhere

Isko Moreno at Sam Verzosa
HANDANG harapin ng TV host-public servant na si Sam Verzosa si Isko Moreno sa isang debate para mailatag nila ang kanilang mga plataporma sa lahat ng taga-Maynila.
Magbabanggaan ang dalawa sa pagka-mayor ng Manila sa darating na May 12, 2025 elections at inaasahang magiging mahigpit ang kanilang laban.
“Kung magkakaroon man ng debate, handa po tayo na lumaban at sumagot,” ang pahayag ni Sam sa mga miyembro ng entertainment media sa Kamuning Bakery Pandesal Forum nitong Lunes, April 15.
Aniya pa, “Kailangan magkaroon ng forum o talakayan para malaman ng mga tao ang plani ng bawa’t isa. Importante yan na makilala ng mga tao ang mga kandidato at ang kanilang mga plano. Bukod doon sa salita, maramdaman nila kami.
“Marami ang magagaling magsalita at matatamis ang mga dila. Sasabihin lang nila yung gusto n’yong marinig. Pero noong nabigyan naman sila ng pagkakataon, hindi naman ginagawa,” pahayag pa ni SV.
Ang punto pa ng long-time partner ni Rhian Ramos, “Importanteng malaman ng tao kung sino ang nagsasabi ng totoo at tapat sa mga Manileño. Sana magkaroon ng debate.
“Hindi ko po aatrasan yan. Anytime, anywhere, haharapin ko si Isko sa isang debate,” ang sabi pa ni Sam.
View this post on Instagram
Dagdag pa niya, “Sana huwag siyang umatras para sa matalinong debate. Hindi ito personalan. Ito po ay para sa kinabukasan ng mga Manileno para pag-usapan ang mga plano namin at ano ang kaya namin gawin.
“Ano ang kaibahan mo sa dati at masagot na lahat ng mga issue sa Maynila. Sana huwag siyang umurong at harapin natin ang mga Manilenyo,” saad ni SV.
Mensahe naman niya sa mga nagtitiwala at sumusuporta sa kanya, “Konting kembot na lang. Maraming salamat sa inyong tiwala. Gusto ko lang sabihin na iaalay ko ang lahat ng nasa akin para sa lahat ng Manilenyo. Wala akong plano bumawi once elected.
“Hindi ko kailangan ang yaman ng Maynila dahil hindi sa pagyayabang, lubos-lubos na po ang biyaya ko mula sa itaas.
“Gusto kong naman i-share kung ano ang meron ako sa mga taga Manilenyo at makapagsilbi ng buong puso,” ang pagbabahagi pa ni Sam Verzosa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.