Daniel, Richard, Ian, iba pang cast ng ‘Incognito’ solid ang tropahan

Daniel Padilla, Richard Gutierrez, Ian Veneracion at Anthony Jennings
MAS naging malalim at mas naging matatag pa ngayon ang samahan ng cast members ng “Incognito“, ayon sa Kapamilya actor na si Daniel Padilla.
Ibang level na raw ang pagkakaibigan nina Daniel, Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Baron Geisler at Anthony Jennings, isama pa ang mga girls sa cast na sina Kaila Estrada at Maris Racal.
Sa naganap na mid-season mediacon ng “Incognito” the other night, April 7, inilarawan ni Daniel ang kanilang grupo bilang “solid” na tropahan dahil na rin sa tagal na nilang magkakasama.
“Iba na ‘yung samahan naming lahat. Kahit saan kami dalhin basta magkakasama kaming lahat, okay kami. At talagang nagtutulungan. Totoo yon, on and off sa set,” pahayag ni DJ.
Sabi pa niya patungkol sa mga challenges na sabay-sabay nilang pinagdaraanan sa shooting, “Hindi rin siya madali e. Papunta sa set, pauwi, pagod ka na.
“So kami yung nagbibigay ng lakas ng loob sa isat-isa. Sa mga eksena naming na hindi madali, kami rin talaga ang nagtutulungan,” saad pa ni DJ.
Sey pa nga ng ex-boyfriend ni Kathryn Bernardo, game na game pa rin siya sakaling magtuluy-tuloy pa ang “Incognito”, “Kahit mag Season 2 pa kami walang problema!”
Nabanggit ni Daniel ang solid na samahan nila sa “Incognito” during the presscon ilang araw matapos mapabalita na nagkaroon umano sila ng away ni Kyle Echarri sa naganap ha “ABS-CBN Ball 2025.”
View this post on Instagram
Ang chika, umawat daw si Richard nang magpang-abot sina DJ at Kyle sa event. Nakialam din daw sa naturang gulo ang kaibigan ni Kyle na si Juan Karlos na naghamon pa raw ng suntukan kay Richard.
Wala pang inilalabas na official statement ang mga taong involved sa kontrobersiya, pati na ang ABS-CBN at Star Magic.
Samantala, mas matitinding action scenes at buwis-buhay na mga eksena ang aasahan ng madlang pipol sa susunod na episodes ng “Incognito” lalo na ang mga kinunang highlights ng serye sa Japan.
Kuwento ni Richard Gutierrez two weeks silang nag-shoot sa Japan, “We shot this episode in Yamagata. Sobrang lamig doon sa lugar na ‘yun. Snow every day, non-stop snowfall.
“Pinili nila ‘yung pinakamaraming snow na area because we want to capture a different terrain na all white and I think we got that.
“Every day non-stop ‘yung snowfall, naabutan namin legit na snowstorm. Kaya hats off to our crew. It was challenging for everyone, we were tested every day,” aniya pa.
Napapanood ang “Incognito” mula Lunes hanggang Biyernes, 8:45 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, TFC, at Kapamilya Online Live (KOL) sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel. Catch it in advance on Netflix and iWantTFC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.