Daniel Padilla mawawala na nga ba sa ‘Incognito?
MAWAWALA na nga ba pansamantala si Daniel Padilla bilang Andres sa seryeng “Incognito” ng ABS-CBN?
Kaya namin ito naitanong dahil sa kuwento, lumabag siya sa protocol ng grupong binuo ni Ian Veneracion para labanan ang mga katiwaliang hindi kayang gawin ng gobyerno.
Na-establish naman sa istorya ng serye na kaya sumali si Daniel samahan ay para mahanap niya ang nawawalang kapatid at the same time ay kasangga rin naman siya at dito siya kumikita ng malaki para maipagtustos din sa kanyang lolang si Malou de Guzman bilang Apo Esang.
Nang magkaroon ng tsansa si Andres na makuha sa tulong na rin ng kagrupo niyang sina Kaila Estrada/Max at Richard Gutierrez/JB ay hiniling niyang siya ang magbubukas nito para mahanap ang kapatid.
Baka Bet Mo: Arjo ka-join sana sa ‘Incognito’ nina Daniel at Richard, anyare?
Pero nagkaroon ng problema dahil ang hard drive na nasa kamay ni DJ/Andres ay naging kontrata nil amula sa gobyerno na ipinatrabaho sa grupong pinamumunuan ni Ian/contractor.
Lahat ng nasa masterlist ay pinatutumba na ng grupong pinaglilingkuran ng mga natitirang buhay na Escalera kabilang na sina Agot Isidro/Isabel at Dino Imperial/Diamond.
At dahil kailangan nang i-surrender ang hard drive/masterlist ay hindi pa ginawa ni Daniel/Andres dahil kailangan niyang makipag kita kay Agot/Isabel para makilala ang kapatid niya.
Hindi na nangyaring mabuksan ang hard drive dahil nagkaroon na ng engkuwentro at napatay na ang lahat ng involved sa master list kasama ang ama ni Richard/JB na si Eddie Gutierrez/General Tony Bonifacio na nabuhay naman pero inaresto na at nakakulong ngayon.
Napasakamay na nina Ian/contractor ang hard drive at si DJ/Andres ay tinulungang maitakas si Agot/Isabel pero hindi nangyari dahil siya rin ay pinagbabaril pero naitakbo sa hospital at gumaling na.
Nang muling magkausap sina Richard/JB at Daniel/Andres ay nabanggit nitong kakalas na siya sa grupo at ito rin ang sinabi ng lider nilang si Ian/contractor na tanggal na ito sa grupo.
Sa huling episode na napanood namin ay wala pang update kung ano ang desisyon ni Ian/contractor kay DJ/Andres dahil kapag may bago silang kontrata ay tiyak na kulang sila dahil si Baron Geisler/Miguel ay kasalukuyang binubugbog ng mga taong naka-witness ng pagpatay niya sa bagong partner ng dati niyang asawang si Yesh Burce/Christine, si Adrian Alandy/Jake dahil hinahanap ang nawawalang P20M na ipinagkatiwala sa huli.
Anyway, bilang regular viewer ng Incognito ay inaabangan namin ang Japan episode nila at kung bakit sila nakarating doon.
Sa kasalukuyan ay nasa Top 3 ang “Incognito” sa Netflix na mainitin itong pinag-uusapan ang bawa’t episode dahil laging may sorpresa sina Direk Lester Pimentel Ong, at Wang Yan Bin at Ian Lorenos handog ng Star Creatives at Studio Three Sixty at napapanood din ito sa Kapamilya Channel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.