True ba, Kathryn pinagbawalan ni Mommy Min na kausapin si Daniel?

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla
NAG-POST ng open letter ang social media personality at tinaguriang “Pambansang Lalaking Marites” na si Xian Gaza para sa nanay ni Kathryn Bernardo na si Min Bernardo.
Idinaan ni Xian sa kanyang Facebook page ang mensaheng nais niyang iparating kay Mommy Min kung saan nabanggit din niya ang singer-songwriter na si Jake Zyrus.
Mababasa sa FB status ni Xian, “Mommy Min Bernardo, nasa hustong edad na po yung anak mo. 28 years old na si Kathryn. Alam na niya ang tama at mali.
“Bakit mo po pinagbabawalang kausapin si DJ? Bakit mo po siya kinokontrol? Gusto mo po bang magaya siya kay Jake Zyrus?” ang hugot pa ni Xian.
Pahabol pa niya, “Ending niyan Mommy para kang nanay ni Sarah Geronimo na kontrabida sa buhay ng anak niya.
View this post on Instagram
“Nagrebelde si Charice Pempengco nang dahil sa nanay niyang walang kwenta at puro lamang career career career pera pera pera.
“Mali yan, Mommy Min. Umayos ka bago pa mahuli ang lahat,” ang mensahe pa ni Xian sa nanay ni Kath.
Nito lamang nagdaang linggo ay ibinuking ni Xian na nagkaayos na raw sina Daniel at Kathryn pero hindi siya sure kung may balikang nangyari dahil kinukumpirma pa raw niya ito.
“BREAKING NEWS: Kathryn Bernardo & Daniel Padilla, nagkaayos na! Kompirmd 99.9%! Yung 0.01% ay yung germs na hindi napatay ng Safeguard!” ang nakasaad sa Facebook post ni Xian.
“Atin-atin na lang muna at huwag na lang sana makakalabas hangga’t kinukumpirma pa natin kung sila ba ay magjowa na ulit. Salamat. Please respect their privacy,” dugtong pa niyang chika.
Pero kasabay nito, nanawagan si Mommy Min na huwag daw basta-basta maniniwala sa fake news. Wala siyang binanggit kung anong pekeng balita ang tinutukoy niya pero feeling ng netizens ang pasabog na chika ni Xian ang nais niyang sabihin.
Bukas ang BANDERA sa magiging reaksyon nina Kathryn, Daniel at Mommy Min sa mga post ni Xian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.