Christian Singson type makatambal si Kathryn; nag-enjoy sa Ang Probinsyano

Kathryn Bernardo at Christian Singson
TALAGANG mabentang-mabenta ngayon si Kathryn Bernardo sa mga kalalakihan! Halos lahat ng nakakausap naming male celebrities ay siya ang gustong makatambal.
Mas lalo pang umigting ang paghanga at pagpapantasya ngayon ng mga boys sa ex-girlfriend ni Daniel Padilla matapos siyang rumampa sa naganap na “Body of Work” underwear fashion event recently.
In fairness, si Kath ang bukambibig ngayon ng mga young male stars kapag natatanong kung sino sa mga kilalang aktres ngayon ang gusto nilang makatrabaho o maging leading lady.
Isa na nga rito ang anak ni dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson na si Christian Singson, na nagbabalik-showbiz sa pamamagitan ng pelikulang “Beyond the Call of Duty”.
Sa pakikipagchikahan ng BANDERA kay Christian sa presscon ng naturang pelikula na ginanap sa bahay mismo ni Manong Chavit na siyang producer nito, natanong si Christian kung sino ang wish niyang makasama sa isang acting project.
“Si Kathryn! Pero, masyado nang mataas na pangarap yun (sabay tawa)! Masyado na siyang mataas para sa akin.
View this post on Instagram
“Magaling kasi siyang artista. Saludo ako sa akting niya, so sana, kapag nagbigyan ng chance,” ang tila nahihiya pang sabi ni Christian.
Hindi pa niya nakikita o nakakausap nang personal si Kathryn, “Pero ‘yun nga, magaling kasi siyang umarte. At maganda rin.”
Aminado naman ang anak ni Manong Chavit na talagang shy siya sa tunay na buhay. Hindi raw siya sanay na ma-interview at tanungin about his personal life.
Nahihiya rin siyang sumagot sa mga tanong tulad ng kung sino ang type o crush niyang artista dahil sa totoong buhay ay engaged na siya, at magpapakasal na next year.
Pero aniya, gusto naman talaga niyang mag-showbiz, sa katunayan ay kasama siya sa pelikula ng GMA Pictures na “Samahan ng mga Makasalanan” starring David Licauco, Sanya Lopez and Joel Torre.
Isa rin siya sa magbibida sa advocacy film na “Beyond The Call of Duty” na tatalakay sa kabayanihan ng mga sundalo, pulis at bumbero. Kasama niya rito sina Martin del Rosario, Mart Escudero, Maxine Trinidad, at marami pang iba.
Sa mga hindi pa aware, napanood din si Christian sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin. Kinunan ang malalaki at mahahalagang eksena sa serye sa napakalaking bahay-resort nila sa Vigan City.
Doon daw actually bumalik ang passion niya sa akting, “I love FPJ. I love action. Mas natuto akong umarte sa ‘Probinsyano.’ Ginamit ‘yung bahay namin. Na-enjoy ko siya.”
Sa tanong kung nagpu-fulltime na ba siya sa showbiz, “If ‘yun ang ipo-focus ko, I can have a career. But now I’m mainly focused with helping my father in his business.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.