Kathryn Bernardo itinanggi ang chikang ‘taken’ na: ‘I’m still single!’

Kathryn Bernardo itinanggi ang chikang ‘taken’ na: ‘I’m still single!’

Pauline del Rosario - April 06, 2025 - 09:37 AM

Kathryn Bernardo itinanggi ang chikang ‘taken’ na: ‘I’m still single!’

PHOTO: Instagram/@bernardokath

SINAGOT na ng award-winning aktres na si Kathryn Bernardo ang kumakalat na chikang may bago na siyang pag-ibig!

Sa mismong red carpet ng ABS-CBN Ball, tuluyan nang sinelyuhan ng aktres ang kanyang relationship status.

Nang tanungin ng reporter na si Gretchen Fullido kung taken ba siya o single pa rin, buong ningning na sagot ni Kathryn: “I’m very happy. And yes, still single.”

Baka Bet Mo: Angelica…patron ng mga tanga sa pag-ibig, sa wakas nanalo na: ‘Prayer reveal naman diyan’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)

Matatandaang umugong kamakailan ang tsismis na diumano’y may namamagitan sa dalaga at kay Lucena City Mayor Mark Alcala. 

Ayon sa chika ng showbiz insider na si Ogie Diaz, may source umano siyang nagsabing nagde-date ang dalawa.

Mas lalo pang lumakas ang hinala ng netizens sa X (dating Twitter) nang mapansin daw nilang pina-follow ni Min Bernardo, ang nanay ni Kathryn, si Mayor Alcala sa Instagram.

Pero hindi rin nagtagal nang ma-chismis ulit si Mommy Min at sinabing in-unfollow nito ang binatang alkalde.

Hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig ng nanay ni Kath kung talagang na-follow ba niya si Mayor Alcala o hindi. 

Pero ang sigurado, as of writing, si Mayor Mark ay naka-follow kay Kathryn sa IG.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At ang aktres naman ay hindi pa naka-follow sa kanya.

Sa hiwalay na panayam naman kay MJ Felipe, nilinaw na ni Mommy Min ang estado ng puso ng anak: may nanliligaw daw, pero as of now — single pa rin si Kathryn.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending