Angelica...patron ng mga tanga sa pag-ibig, sa wakas nanalo na: 'Prayer reveal naman diyan' | Bandera

Angelica…patron ng mga tanga sa pag-ibig, sa wakas nanalo na: ‘Prayer reveal naman diyan’

Ervin Santiago - October 13, 2022 - 06:54 AM

Angelica...patron ng mga tanga sa pag-ibig, sa wakas nanalo na: 'Prayer reveal naman diyan'

Angelica Panganiban, Baby Amila at Luna Agoncillo

PAGKATAPOS gawing “santo” ng mga niloko at pinagtaksilan ang Kapuso actress na si Heart Evangelista, si Angelica Panganiban naman ngayon ang hiningan ng “prayer petition” ng netizens.

Tinawag na “patron ng mga tanga sa pag-ibig” ang Kapamilya actress at first-time mom ng isa niyang social media follower kasabay ng paghingi ng tulong para sa kanyang lovelife.

Ayon sa netizen, isang inspirasyon si Angelica sa mga tulad niyang patuloy na umaasa sa pagdating ng tamang tao sa kanyang buhay sa kabila ng mga nararanasang kamalasan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)


In fairness naman kasi talaga kay Angelica, kahit na ilang beses nang nabigo sa pag-ibig ay hindi pa rin niya ito sinukuan hanggang sa matagpuan nga ang lalaking inaasam na makasama na niya habangbuhay.

Bago nga dumating sa buhay niya ang kanyang fiancé na si Gregg Homan, naging dyowa muna niya sina Carlo Aquino, Derek Ramsay at John Lloyd Cruz.

Pero hindi siya sumuko sa pag-ibig kaya naman ibinigay sa kanya ang taong nakalaan talaga para sa kanya. At bukod diyan, biniyayaan agad sila ni Gregg ng baby.

Kaya naman ang request sa kanya ng mga netizens, “prayer reveal naman diyan.”

“Santa Angge, ang patron ng mga tanga sa pag-ibig, finally, nanalo na sa pag-ibig. Congrats! Prayer reveal naman diyan,” ang pahayag ng isang Twitter user na itinag nga si Angelica.

Ito naman ang sagot sa kanya ng kapapanganak lang na aktres, “Salamat, hintayin mo lang, at titila rin ang ulan ng kamalasan. Tiwala, manalig at manatiling mabuting tao kahit ano pa sabihin nila tungkol sa yo.”

Sa kasalukuyan ay naninirahan si Angge sa Olangapo kasama ang asawa at ang bagong silang nilang anak na si Baby Amila Sabine.

Isinilang si Baby Amila noong September 20 at in-announce lamang ito ng engaged couple last September 23 sa pamamagitan ng Instagram.

“Been waiting for you all my life,” ang caption na inilagay ni Angelica sa litrato ng kanyang baby.

https://bandera.inquirer.net/325307/tiktok-prayer-viral-na-para-sa-mga-nasisi-pa-kahit-yung-kabiyak-nila-ang-unang-nangwalanghiya-our-lady-heart-evangelista-please-pray-for-us

https://bandera.inquirer.net/281748/gerald-reynang-reyna-ang-turing-kay-julia-marami-nang-isinakripisyo-dahil-sa-pag-ibig

https://bandera.inquirer.net/302520/jelai-na-depress-dahil-sa-pag-ibig-nakarating-ako-ng-ospital-butas-short-ko

https://bandera.inquirer.net/295370/kylie-sa-craziest-thing-na-ginawa-sa-pag-ibig-i-got-married-tinawag-na-babe-si-andrea

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending