TikTok prayer viral na: 'Para sa mga nasisi pa kahit ‘yung kabiyak nila ang unang nangwalanghiya...Our Lady Heart Evangelista, please pray for us...' | Bandera

TikTok prayer viral na: ‘Para sa mga nasisi pa kahit ‘yung kabiyak nila ang unang nangwalanghiya…Our Lady Heart Evangelista, please pray for us…’

Ervin Santiago |September 29,2022
facebook
share this

TikTok prayer viral na: ‘Para sa mga nasisi pa kahit ‘yung kabiyak nila ang unang nangwalanghiya…Our Lady Heart Evangelista, please pray for us…’

Ervin Santiago - September 29, 2022 - 09:42 AM

Heart Evangelista

SA gitna ng mga ispekulasyon at chika na naghiwalay na sila ng kanyang asawang si Sen. Chiz Escudero, tila may paramdam uli si Heart Evangelista hinggil dito.

Viral ngayon ang paandar na TikTok video kung saan humihingi ang isang netizen ng proteksyon mula kay Heart laban sa mga asawang manloloko at taksil.

Ang nasabing TikTok “prayer of petition” ay ginawa at ipinost ng content creator na si Doc Jonna Cenica kung saan nanawagan siya ng tulong at gabay kay “Our Lady Heart Evangelista.”

@doctorjonnacenica

Sya nawa… #ourladyheartevangelista #prayforus #kabitserye #docjonnatalks #docjonnaprays

♬ original sound – Doc Jonna Cenica – Doc Jonna Cenica

Talagang ginawa niyang “santo” ang Kapuso actress at fashion icon with matching litrato pa ng misis ni Sen. Chiz na ginamit niya bilang background sa kanyang video.

Narito ang laman ng prayer request ni Doc Jonna, “Para sa mga magagandang nanampalatayang walang kabit ang asawa nila;

“Para sa mga dyosang nagta-trabaho pa kahit milyonaryo na at pinagpalit sa mukhang paa;

“Para sa mga nasisi pa kahit ‘yung kabiyak naman nila ang unang nangwalanghiya — Our Lady Heart Evangelista, please pray for us.”

Ginamit pa niya ang mga hashtag na #ourladyheartevangelista, #prayforus, #kabitserye, #docjonnatalks at #docjonnaprays

In fairness, marami ang nag-like at nagkomento sa nasabing TikTok prayer at karamihan nga ay nagsabing nakaka-relate sila sa “petisyon” ni Doc Jonna.

At isa na nga riyan si Heart na nag- comment ng, “Omg! Prayer granted (laughing emoji)!”

At dahil nga rito, mabilis na nag-viral ang naturang video at ilan sa mga netizens ang nagsabing mukhang relate na relate rin daw ang Kapuso star sa petition prayer ni Doc Jonna.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita sina Heart at Chiz tungkol sa chikang hiwalay na sila matapos tanggalin ng fashion icon ang “Escudero” sa kanyang profile name sa Instagram.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasabay nito, naglabasan din ang chika na hindi na suot ng aktres ang wedding ring nila ng asawa at umalis na rin umano sa bahay nila ng senador.

Heart, Chiz may pinagdaraanan bilang mag-asawa, totoo nga kayang naghiwalay na?

Heart Evangelista tinanggal ang apelyido ni Sen. Chiz sa IG name, may pinagdaraanan nga ba?

Heart lagot kay Chiz: Saan ka na naman nag-shopping? Ano yan, ha?

Sharon humiling na ipagdasal ang kaibigang na-stroke: ‘Hindi ko na kaya, I’m still in pieces over losing Cherie…please pray’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending