Jelai na-depress dahil sa pag-ibig: Nakarating ako ng ospital, butas short ko! | Bandera

Jelai na-depress dahil sa pag-ibig: Nakarating ako ng ospital, butas short ko!

Therese Arceo |January 09,2022
facebook
share this

Jelai na-depress dahil sa pag-ibig: Nakarating ako ng ospital, butas short ko!

Therese Arceo - January 09, 2022 - 06:19 PM

Jelai na-depress dahil sa pag-ibig: Nakarating ako ng ospital, butas short ko!
MULING binalikan ng vlogger-actress na si Jelai Andres ang kanyang masalimuot na karanasan sa pag-ibig.

Sa interview niya kay Toni Gonzaga ay ikinuwento niya kung paano sila unang nagkakilala ni Jon Gutierrez o mas kilala bilang King Badger, dating asawa ni Jelai at isa sa miyembro ng Ex-Batallion.

Kuwento niya, nagsimula ang lahat nang i-reshare niya ang video ni Jon kasama ang kanyang ina.

Noong panahong ‘yon kasi ay may followers na si Jelai dahil naging bahagi siya ng teleseryeng “Iiwan” at nagkaroon rin siya ng sariling show na “Jelai Says, Jelai Shows” na ipinapalabas sa TFC.

Agad raw na nag-message sa kanya noon si Jon ng “Hi, baby” na nireplyan niya after 4 days at doon na nagsimula ang kanilang love story.

Pero hindi lahat ng love story ay palaging masaya dahil 2016 nang unang madurog ang puso ni Jelai dahil sa “cheating” issue ni Jon sa ibang babae.

Tulad ng ibang mga babae, pinatawad ni Jelai ang kanyang boyfriend pa lang noon at makalipas nga ng isang taon ay nag-propose na sa kanya si King Badger at nagpakasal na sila.

Ngunit hindi pala porke pinag-isa na kayo ng Maykapal ay magiging maayos na ang lahat dahil matapos ang kasal ay makailang beses na nahuli ni Jelai si Jon na nagkakasala sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jelai Andres (@jelaiandresofficial)

Kuwento niya, sa tuwing mangyayari ito ay nade-depress siya kung saan umabot pa sa puntong nakalimutan na niya kung paano pahalagahan ang sarili.

“Hindi ko alam e. Umiiyak ako tapos dire-diretso lang, maninigas ako, tapos magsasara ‘yung throat ko. Hindi ako makahinga… tapos dadalhin ako sa ER (emergency room).

“Pero dahil paulit-ulit na ‘yung nangyayari… marami ako paghihirap na pinagdaanan pero lagi kong nilalaban kasi pilit kong binubuo ‘yung sarili ko, bubuuin ko rin siya while ako rin pala ‘yung nawawasak,” kuwento ni Jelai.

May isang beses pa raw na dinala siya sa ospital at suot suot niya ang short ni Jon habang naka-wheelchair.

Iyak raw nang iyak si Jelai noon sa ospital at nang maging okay na at nakauwi na sila sa bahay ay don niya lang nalaman na butas pala ang suot niya.

“Pag-uwi ko ng bahay, okay na ako. May gamot na ako. Tinaas ko ‘yung paa ko. Pagtaas ko ng paa ko, butas ‘yung shorts ko. Wala akong underwear!” natatawang baliktanaw ni Jelai.

Dagdag pa niya, kaya raw niya paulit-ulit a inilaban ang lahat dahil naniniwala siya na dapat gawin niya ang part niya bilang asawa kaya wala siyang pagsisisisi dahil alam niyang ginawa niya ang lahat.

“Ginawa ko ang lahat hanggang sa nasagad na. ‘Yung parang binigay na ni Lord ‘yung sign. Kasi ate naniniwala ako na kapag gusto ni God na i-let go mo ‘yung someone pero ni-refuse mo, hahayaan Niya na masaktan ka nang masaktan para wala ka nang ibang choice to let go.”

Sa ngayon ay masaya na si Jelai sa kanyang buhay at mas natuto siyang mahalin at pahalagahan ang sarili.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Jelai Andres: May karapatan talaga ang asawa na magalit sa mga kabit
Jelai Andres kumonsulta sa ‘healer’ para isalba ang relasyon kay King Badger: Pero parang nabudol ako

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending