Kiko Pangilinan sa pag-guest kay Toni Gonzaga: Walang kulay ang gutom
IBINANDERA ni senatorial candidate na si Atty. Kiko Pangilinan ang larawan niya kasama ang TV host-actress na si Toni Gonzaga.
Nitong February 25, Martes, kanyang X (dating Twitter) page, ibinandera niya ang kanilang larawan matapos ang kanyang interview.
“WALANG KULAY ANG GUTOM. IBA IBA ANG KULAY NG GULAY AT PAGKAIN,” saad ni Kiko sa kaniyang post.
Nagpasalamat pa nga siya kay Toni dahil binigyan siya nito ng pagkakataon na mag-guest sa kanyang online show na “Toni Talks”.
Baka Bet Mo: Neri Miranda ‘biktima’ lang, Kiko Pangilinan handang tumulong
𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗨𝗟𝗔𝗬 𝗔𝗡𝗚 𝗚𝗨𝗧𝗢𝗠.
IBA IBA ANG KULAY NG GULAY AT PAGKAIN.
Salamat, Toni Gonzaga, sa pagkakataong maibahagi ang mensaheng ito sa Toni Talks.
Narito po ang aming kamustahan at kwentuhan.https://t.co/lVd1MK8MZE pic.twitter.com/AEN432u10U— Kiko Pangilinan (@kikopangilinan) February 24, 2025
“Salamat, Toni Gonzaga, sa pagkakataong maibahagi ang mensaheng ito sa Toni Talks.
Narito po ang aming kamustahan at kwentuhan,” pagpapatuloy ni Kiko.
Nilagay naman niya ang link kung saan mapapanood ang kanyang interview.
Ang vlog ay pinamagatang “Kiko Pangilinan’s Astronaut Dream: How He Ended Up With The Megastar & Senate Comeback”.
Tinalakay ng dalawa ang naging buhay ng dating senador bago nito pasukin ang mundo ng politika at ang mga programang nais niyang gawin at isulong sa muli niyang pagtakbo bilang senador.
Umani naman ng samu’t saring komento mula sa madlang pipol ang naturang guesting ni Kiko kay Toni.
“Di ko gusto si Toni and gets ko na malaki ang reach niya. Support ako dito, @kikopangilinan definitely needs more exposure specially sa kabilang side, might be able to penetrate a lot of thick skulls,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “I hope you changed a few minds or was able to open eyes of a few by using this platform. I hope they realize that you’re running for the good of the country and for Filipinos’ sake.”
“We don’t like Otin but it was a bold move to use her show to expose na din to other voters,” sey naman ng isa.
Matatandaang noong 2022 nang tumakbo si Atty. Kiko bilang bise presidente ng Pilipinas kasama ang running mate niya na si VP Leni Robredo.
Sa kasamaang palad ay hindi ito nagwagi at ngayon numga ay tumatakbo itong muli bilang senador.
Samantala, kilala naman si Toni sa kanyang naging pag-endorso kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.