Buboy sa paratang ni Angillyn Gorens: ‘Malabong saktan ko siya’

Buboy Villar sa paratang ni Angillyn Gorens: ‘Malabong saktan ko siya’

Pauline del Rosario - March 28, 2025 - 11:16 AM

Buboy Villar sa paratang ni Angillyn Gorens: ‘Malabong saktan ko siya’

Buboy Villar, Angillyn Gorens

NAGSALITA na ang comedian-actor na si Buboy Villar kaugnay sa naging pasabog ng kanyang ex-girlfriend na si Angillyn Gorens.

Magugunitang ibinunyag ni Angillyn sa isang Facebook post na siya ay minumura at sinasaktan ni Buboy.

May mga ulat din na nabawasan na ang sustento at panahon ng komedyante para sa kanilang mga anak.

Sa interview ng “24 Oras,” inamin ng aktor na nagulat siya sa mga mabibigat na alegasyon ng dating partner.

Baka Bet Mo: Angillyn Gorens pumalag sa mga bumabatikos sa kanyang pagiging ina

Mariin ding itinanggi ni Buboy ang sinasabing pananakit sa kanyang ex-GF.

“Dumaan sa buhay ko po na ‘yung tatay ko rin ay nananakit sa aking nanay. Alam ko po na mali ang manakit ng babae,” bungad niya.

Paliwanag niya pa, “Mahal na mahal ko ‘yung nanay ko kaya kahit kailan, hindi ko maisipan na saktan siya.”

“Malabo po ‘yun,” giit niya sa panayam.

Bukod diyan, nagkaroon din ng paglilinaw ang komedyante patungkol sa kulang na sustento sa mga mga anak.

“Napag-usapan na po kasi namin ‘yan dati pa. Napag-usapan namin ito ng legal at aprub ito ng VAWC last year, I think,” sey niya at ibinunyag na nakipag-meeting pa siya sa mga magulang ni Angillyn.

Chika niya, “Sinabi ko talaga kung ano ‘yung kaya ko as a father, so naisarado naman po namin nang maayos ‘yun.”

“Kung iisipin nang mabuti po, nakakalungkot,” pag-amin ni Buboy sa kanyang nararamdaman.

Nang tanungin naman siya kung ano ang mensahe niya para sa dating partner: “Siguro ‘yung sinasabi po ng utak ko at damdamin, parang kailangan ko muna sigurong magpakalma muna.”

“Kasi parang kailangan ko munang kumapit sa proseso na ito, kailangan kong yakapin ‘yung sakit at bitawan later on at nandoon pa rin po ‘yung magpatawad. Kumbaga, hindi naman po ako ganung klaseng tao na sinasabi ng iba na iayon naman daw sa ugali,” aniya pa.

Matatandaang nagsimula ang alegasyong pananakit kay Angillyn matapos i-reveal ni Buboy ang bago niyang pag-ibig na non-showbiz, pati na rin ang kanilang 3-month old baby.

Nangyari ang grand reveal sa isang episode ng podcast nila ni Tuesday Vargas, ang “Your Honor” na nagsilbi ring birthday episode ng show para sa komedyante.

Samantala, nagsimula ang relasyon nina Buboy at Angillyn noong 2016 at biniyayaan sila ng dalawang anak na nasa poder ngayon ng huli, kasama ang kanyang mga magulang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Taong 2017 nang mag-propose si Buboy kay Angillyn at nagbabalak nang magpakasal sa Amerika pero nagkahiwalay din noong 2020.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending