Angillyn Gorens pumalag sa mga bumabatikos sa kanyang pagiging ina Bandera

Angillyn Gorens pumalag sa mga bumabatikos sa kanyang pagiging ina

Therese Arceo |September 17,2021
share this

Angillyn Gorens pumalag sa mga bumabatikos sa kanyang pagiging ina

Therese Arceo September 17, 2021 - 06:01 PM

HINDI na nakapagtimpi ang dating karelasyon ni Buboy Villar na si Angillyn Gorens laban sa mga bashers na bumabatikos sa kaniya.

Sa kanyang Facebook post, inilahad niya ang kaniyang saloobin ukol sa walang sawang pambabash na natatanggap niya.

“This goes out to whoever attempts to ever bash a mother who is away from her children. You do not bash me especially my motherhood, parenthood nor My children’s life specially with the freaking poser account.

“No mother wants to be away from her children. I am legit sacrificing by being away in another country just to provide for my children better and to give them a better future. I don’t tolerate such BS.

“I don’t care who you are! You have no certainly Freaking like to go bash me for not being with my kids. It’s already painful enough not seeing them every day but I want them to have a BRIGHTER FUTURE kaya I’m sacrificing,” saad ni Angillyn.

Sa ngayon kasi ay nasa Amerika ito namamalagi upang magtrabaho habang ang mga anak nito ay nasa pangangalaga ng kaniyang pamilya.

Malaking sakripisyo para sa kaniya na malayo sa mga anak lalo pa’t pandemya ngunit wala siyang magagawa dahil nais niyang makapagbigay ng magandang kinabukasan para sa dalawang anak.

“I really don’t need to explain myself to people but enough with the freaking bashing about me being a mother to my beautiful children and stop questioning about my choice of parenthood to my children. ENOUGH IS ENOUGH!!” dagdag pa nito.

Magkahiwalay man sila ng aktor na si Buboy Villar ngunit nananatiling maayos ang pakikitungo nila sa bawat isa para na rin sa kanilang mga supling.

Nabanggit rin ng aktor sa kaniyang vlog na madalas silang mag-usap ng dating karelasyon at madalas pa ngang magpadala ng pictures pati na rin ng videos ang aktor kay Angillyn.

Matatandaang taong 2016 nang maging mag-dyowa ang dalawa. Taong 2017 naman nang ipanganak ni Angillyn ang panganay nilang.

Taong 2020 naman nang aminin nila sa publiko ang kanilang paghihiwalay.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending