Buboy ayaw makatrabaho ang pasaway, reklamador na artista

Buboy Villar ayaw nang makatrabaho ang pasaway, reklamador na artista

Ervin Santiago - November 11, 2024 - 09:44 AM

Buboy Villar ayaw nang makatrabaho ang pasaway, reklamador na artista

PASAWAY at unprofessional kung ilarawan ng Kapuso actor na si Buboy Villar ang isang artistang nakasama niya sa dati niyang project.

First time raw makakita ni Buboy ng isang celebrity na walang respeto sa kanyang mga katrabaho, lalo na sa crew at production staff.

Dahil dito, ayaw na raw makasama ng komedyante kahit kailan ang naturang artista dahil siguradong magiging problema lang raw ito ng buong produksiyon.

Sa guesting ni Buboy sa bagong cooking show na “Lutong Bahay” sa GTV hosted by Mikee Quintos, ay napag-usapan nga ang tungkol sa naturang artista na nagiging cause of delay daw sa shooting.

Tinanong ni Mikee si Buboy kung sino sa mga artistang naka-work na niya ang ayaw na niyang makatrabaho.

Baka Bet Mo: Ate Vi umaming naging pasaway ding artista; may favorite na ‘excuse’ kapag ayaw mag-shooting

“Nagsimula ka sa showbiz four, five years old, magbigay ka sa amin ng isang pangalan na ayaw mo nang makatrabaho ulit,” ang maintrigang pang-uusisa ni Mikee kay Buboy.

Halatang nagdadalawang-isip si Buboy na sagutin ang tanong ngunit sinabi ni Mikee na ibulong na lang sa kanya ang name nito at ipinaliwanag kung bakit ayaw na niya itong makasama sa anumang proyekto.

“Dapat walang makakaalam (ng pangalan),” natawang sey ni Buboy kay Mikee. “First time ko lang kasi makatrabaho ng ganu’n. Lahat ng mga kasama natin sa isang show ay professional,” ani Buboy.

May mga pagkakataon daw kasi na tumatanggi ang tinutukoy niyang artista sa mga eksena na nagiging dahilan ng delay sa shooting.

“Ako bilang isang aktor, game ako sa lahat, pero minsan kasi tumatanggi siya sa mga eksena at nadi-delay na ‘yung mga eksena.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Siyempre, kapag mayroong isang delay, domino effect ‘yan, buong staff and crew, madi-delay, aabutin tayo ng madaling araw,” paliwanag ni Buboy.

Napapanood ang “Lutong Bahay” mula Lunes hanggang Biyernes, 5:45 p.m. sa GTV.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending