Buboy nagtatrabaho, nagsasakripisyo para sa mga anak na nasa US: Iba pa rin yung naaamoy at nayayakap mo sila | Bandera

Buboy nagtatrabaho, nagsasakripisyo para sa mga anak na nasa US: Iba pa rin yung naaamoy at nayayakap mo sila

Ervin Santiago |September 21,2022
facebook
share this

Buboy nagtatrabaho, nagsasakripisyo para sa mga anak na nasa US: Iba pa rin yung naaamoy at nayayakap mo sila

Ervin Santiago - September 21, 2022 - 07:02 AM

Buboy Villar kasama ang dalawang anak

LAHAT ng pagpapagod at pagsasakripisyo ni Buboy Villar ay iniaalay niya sa kanyang mga anak na matagal na rin niyang hindi nakakasama.

Nais ipabatid ng Kapuso comedian sa mga anak niya sa dating partner na si Angillyn Gorens na kahit hindi sila magkakasama ay ginagawa pa rin niya ang lahat para maging mabuting tatay.

Sabi pa ng “Running Man PH” celebrity contestant, ginagawa raw niya ang lahat upang kumita at makapag-ipon nang bonggang-bongga para na rin sa kinabukasan ng mga bata.

“Gusto ko, meron ako para sa akin, meron din ako para sa kanila, mas marami mas maganda,” sabi ni Buboy sa panayam ng GMA Network.

View this post on Instagram

A post shared by Buboy Jr Villar (@buboyvillar)


Nagpapasalamat din si Buboy sa social media dahil kahit paano’y tuluy-tuloy pa rin ang komunikasyon niya sa mga anak ngunit mas okay pa rin daw kung nakikita at nakakasama niya nang personal ang mga ito.

“Iba pa rin yung pakiramdam. Yung maaamoy mo yung anak mo, mayayakap mo,” sey pa ng komedyante.

Nasa pangangalaga ni Angillyn ngayon ang kanilang mga anak at ilang taon na rin silang naninirahan sa Amerika.

Samantala, nabanggit din ni Buboy na ayaw niyang maranasan ng kanyang mga anak ang hirap ng buhay na pinagdaanan niya noon bilang “mangangalakal,” hindi rin niya gustong maliitin ng mga bata ang nasabing trabaho.

“Kanya-kanya tayong hassle sa buhay. May mga goal tayo as a parent. Ayoko silang maghirap,” sey ni Buboy.

“At gusto ko lang na nakikita ko sila (mga anak), kung ano ‘yung mga gusto nila (ay maibigay ko),” aniya pa.

View this post on Instagram

A post shared by Buboy Jr Villar (@buboyvillar)


Malaki rin daw ang tinatanaw niyang utang na loob kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera dahil sa pagtulong sa kanya noon sa kanyang showbiz career.

Aniya, nang dahil daw kay Marian ay napasama siya sa Kapuso fantasy series na “Dyesebel”. At mula nga noon ay palagi na siyang nire-request ng Kapuso actress-TV host na makasama sa kanyang mga projects sa GMA.

https://bandera.inquirer.net/315202/buboy-villar-sa-bonggang-transformation-ni-herlene-budol-huwaw-ibang-iba-ka-na-ngayon

https://bandera.inquirer.net/316918/buboy-gagawin-lahat-para-matalo-ang-mga-kalaban-sa-running-man-kaya-ko-silang-laruin-at-paikutin-sa-mga-palad-ko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/310004/buboy-villar-sinorpresa-ni-jelai-andres-ano-to-suhol-para-ma-inlove-ako-sa-yo
https://bandera.inquirer.net/311121/herlene-budol-buboy-villar-naka-jackpot-na-naman-bakit-pinahaba-ang-exposure-sa-false-positive-nina-glaiza-at-xian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending