True ba, Angillyn Gorens minumura, sinasaktan ni Buboy Villar?

Angillyn Gorens at Buboy Villar
Trigger Warning: Mention of physical and verbal abuse
PASABOG ang naging rebelasyon ng dating partner ni Buboy Villar na si Angillyn Gorens tungkol sa naging pagtrato sa kanya dati ng aktor noong magkarelasyon pa sila.
Sa kanyang Facebook page ay walang takot nitong ibinandera ang mga “resibo” o screenshots na hawak niya at ang eksplanasyon kung bakit ngayon lang siya nagsasalita.
“The reason why I am speaking and BAKIT NGAYON LANG? I’ve always told him na ayokong macompare, wag niya hayaan na mabash ako at ang family ko kasi wala akong nagawang mali sakanya nuon hanggang ngayon pero nung nag reveal siya maraming negative comments about sakin at family ko,” panimula ni Angillyn.
Aniya, umabot na rin sa puntong pati ang pamilya niya ay ikinukumpara na rin sa pamilya ng bagong karelasyon ni Buboy at dahil dito, maraming hate messages siyang natatanggap.
Baka Bet Mo: Bagong dyowa ni Buboy Villar palaban, rumesbak kay Angillyn Gorens
View this post on Instagram
“HINAYAAN NIYA YUN KAHIT NANAHIMIK AKO MAY BASH PARIN SAKIN. edi ilabas ko nalang yung totoo kasi nakakasawang mabuhay ng mabuti siyang tao habang kami masama at higit sa lahat hindi niya kami ipagtanggol,” pagpapatuloy pa ni Angillyn.
Kuwento pa niya, ilang beses rin siyang binastos at hindi nirerespeto kahit na maayos niyang kinakausap ang aktor.
Sa mga screenshot na ibinahagi ni Angillyn, makikitang ikinukuwento niya na minumura siya ni Buboy at sinasaktan rin.
Ang sa kanya lang raw ay ayaw niyang nagagamit ang mga anak nila
“Kung makikita niyo mga interview ni Buboy sa GMA palagi niya sinasabi na nirerespeto niya ako at mahal niya daw mga anak namin. ayoko na magamit ang mga anak ko para sa ikakalinis ng pangalan niya. pinapalabas niya palagi na siya ang nag aalaga na kahit bihirang bihira niya lang mapuntahan mga anak namin,” sey pa niya.
Hindi rin gusto ni Angillyn na nakikita ng mga bata ang kanilang halikan at ang pagtatabi sa kama lalo na’t sa sahig raw pinapatulog katabi ng yaya ang mga bata kaya mas lalo siyang nagagalit.
“Kinausap ko na sila about jan paulit ulit pero hindi parin yun nasunod minsan na nga lang kitain yung bata ganon pa ginagawa pwede naman ipabukas yung harutan pag wala na yung mga bata sakanila.
“Siguro kahit sinong nanay magagalit at higit sa lahat bawal yun gawin sa harap ng mga bata lalo at 7 years old na si vlanz may utak na at hindi dapat nya nakikita yung ganong bagay.. GALIT AKO MALAMANG. RESPETO lang sana sa mga anak ko,” sey pa ni Angillyn.
Nilinaw rin niya na sinabihan niya na si Buboy ba huwag isama sa vlog ang mga bata at hindi siya kailanman pinagbawalan na pumasok sa kanilang bahay.
Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag ni Buboy sa mga naging pahayag ni Angillyn.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.