Viy Cortez binoldyak ng netizens, pangalan ng anak pang-jejemon raw?
NILARO na naman ng mga netizens ang post ng social media personality at businesswoman na si Viy Cortez sa baby shower ng pangalawang anak.
Sa kanyang Facebook page noong March 23 ay ibinandera niya ang kanyang maternity shoot.
“Tokyo Athena,” maikling caption ni Viy na siyang pangalan ng pangalawang anak nila ni Cong TV.
Ang simpleng post ng social media influencer ay agad na umani ng reaksyon mula sa mga netizens.
Baka Bet Mo: Viy Cortez pinalagan ang chikang binayaran ng P50-M para mag-endorse ng politiko
View this post on Instagram
May mga ilang pumuri ngunit para sa iba, hindi raw maganda sa pandinig ang combination ng pangalan ng anak nina Cong at Viy.
“Baduy ng combination beh, oero anak mo naman uan pakealamera lang kami hahahahaha,” saad ng netizen sa shinare na post ng kilalang personalidad.
Narito pa ang ilang mga komento ng netizens sa pangalan ng anak nina Cong at Viy.
“Final na ba un Tokyo Athena baka tuksuhin yan paglaki marami pa namang bully ngayon pero anak mo naman yan pagtanggol mo na lang soon.”
“Ok na yan. Kesa HTML yung name mo.”
“Mga froglets paki nyo ba knb ano ipabgalab sa bata hindi naman pangit ung name isa pa anak nyo ba yan my goddddd pati ba banan sa pangalan kailangan pang may masay kayong mga froglets kayo.”
Isang screenshot rin ang ibinandera ni Viy kung saan ipinaliwanag ng isang fan ang kahulugan at kung paano naging Tokyo Athena ang pangalan ng bata.
“Kaya ata TOKYO kasi sa Tokyo, Japan ata nabuo. Yung panganay nila eh ZEU (Greek mythology) kaya ginawang ATHENA naman kasi girl. Not sure pero sa vlog ata nila yan tapos si Junnie nagpangalan,” depensa ng isang netizen.
Pinasalamatan naman ito ni Viy at sinabing, “Kakagising ko lang nakita ko to HAHAHAHAH salamat sa nag tanggol. Salamat Ms China.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.